Mga Awit 57:1-11
Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.* Nang tumakas siya mula kay Saul papunta sa kuweba.+
57 Kaawaan mo ako, O Diyos, kaawaan mo ako,Dahil sa iyo ako nanganganlong,+At nanganganlong ako sa lilim ng mga pakpak mo hanggang sa lumipas ang kapighatian.+
2 Tumatawag ako sa Diyos na Kataas-taasan,Sa tunay na Diyos, na tatapos sa lahat ng ito para sa akin.
3 Magpapadala siya ng tulong mula sa langit at ililigtas ako.+
Bibiguin niya ang sumasalakay* sa akin. (Selah)
Ipapakita ng Diyos ang kaniyang tapat na pag-ibig at katapatan.+
4 Napapalibutan ako ng mga leon;+Nakahiga akong kasama ng mga taong gustong lumamon sa akin,Na ang mga ngipin ay mga sibat at mga palasoAt ang dila ay matalas na espada.+
5 Maging dakila ka nawa sa langit, O Diyos;Maging maluwalhati ka nawa sa buong lupa.+
6 Naghanda sila ng lambat para bitagin ang mga paa ko;+Naghihirap ang kalooban ko.+
Gumawa sila ng hukay sa harap ko,Pero sila mismo ang nahulog doon.+ (Selah)
7 Matatag ang puso ko, O Diyos,+Matatag ang puso ko.
Aawit ako at tutugtog.
8 Gumising ka, aking puso.*
Gumising ka, O instrumentong de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.
Gigisingin ko ang bukang-liwayway.+
9 Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova;+Aawit ako ng mga papuri* sa iyo sa gitna ng mga bansa.+
10 Dahil ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila, kasintaas ng langit,+At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.
11 Maging dakila ka nawa sa langit, O Diyos;Maging maluwalhati ka nawa sa buong lupa.+