Mga Awit 58:1-11
Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.*
58 Makapagsasalita ba kayo ng tungkol sa katuwiran kung mananahimik kayo?+
Makahahatol ba kayo nang tama, kayong mga anak ng tao?+
2 Hindi, dahil nagpapakana kayo ng kasamaan sa puso ninyo,+At ang mga kamay ninyo ay nagpapalaganap ng karahasan sa lupain.+
3 Ang masasama ay lumilihis na ng landas* mula pa nang ipanganak;*Sinungaling na sila at matigas ang ulo mula pa nang isilang.
4 Ang kamandag nila ay gaya ng kamandag ng ahas;+Bingi sila na gaya ng kobra na nagsasara ng tainga.
5 Hindi ito makikinig sa tinig ng mga engkantador,Gaano man kahusay ang mahika nila.
6 O Diyos, basagin mo ang mga ngipin nila!
Basagin mo ang panga ng mga leong ito, O Jehova!
7 Mawala nawa sila gaya ng tubig na natutuyo.
Baluktutin Niya nawa ang búsog niya at pabagsakin sila ng mga palaso niya.
8 Maging gaya nawa sila ng susô na natutunaw habang umuusad;Gaya ng sanggol na ipinanganak na patay na hindi makakakita ng araw.
9 Bago maramdaman ng mga lutuan ninyo ang init ng panggatong,*Ang sariwa at ang nasusunog na sanga ay tatangayin niya, gaya ng hangin ng bagyo.+
10 Ang matuwid ay magsasaya dahil nakita niya ang paghihiganti;+Ang mga paa niya ay mababasâ ng dugo ng masasama.+
11 At sasabihin ng mga tao: “Talagang may gantimpala para sa matuwid.+
Talagang may Diyos na humahatol sa lupa.”+