Mga Awit 59:1-17
Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.* Nang magsugo si Saul ng mga tauhan para bantayan ang bahay ni David* at patayin siya.+
59 Iligtas mo ako sa mga kaaway ko, O Diyos ko;+Protektahan mo ako sa mga sumasalakay sa akin.+
2 Sagipin mo ako mula sa masasama,At iligtas mo ako mula sa mararahas.*
3 Nag-aabang sila para saktan ako;+Sinasalakay ako ng malalakas na tao,Pero hindi dahil nagrebelde ako o nagkasala,+ O Jehova.
4 Wala akong ginawang mali, pero tumatakbo sila at naghahandang sumalakay.
Dinggin mo ang pagtawag ko at tingnan mo ako.
5 Dahil ikaw, O Jehova na Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel.+
Gumising ka at tingnan mo ang ginagawa ng lahat ng bansa.
Huwag kang magpakita ng awa sa sinumang taksil at masama.+ (Selah)
6 Bumabalik sila tuwing gabi;+Umaangil* silang gaya ng aso+ at lumilibot sa lunsod.+
7 Tingnan mo kung ano ang lumalabas* sa mga bibig nila;Ang mga labi nila ay gaya ng espada,+Dahil sinasabi nila: “Sino ang nakikinig?”+
8 Pero pagtatawanan mo sila, O Jehova;+Hahamakin mo ang lahat ng bansa.+
9 O aking Kalakasan, maghihintay ako sa iyo;+Dahil ang Diyos ang aking ligtas na kanlungan.*+
10 Ang Diyos na nagpapakita sa akin ng tapat na pag-ibig ang tutulong sa akin;+Ipapakita sa akin ng Diyos ang pagbagsak ng mga kalaban ko.+
11 Huwag mo silang patayin, para hindi makalimot ang bayan ko.
Sa pamamagitan ng kapangyarihan mo ay pagala-galain mo sila;Pabagsakin mo sila, O Jehova, ang aming sanggalang.+
12 Dahil sa kasalanan ng bibig nila, sa pananalita ng mga labi nila,Mabitag nawa sila ng pagmamataas nila,+Dahil sa pagsumpa nila at pagsisinungaling.
13 Sa galit mo ay lipulin mo sila;+Lipulin mo sila para mawala na sila;Ipaalám mo sa kanila na ang Diyos ay namamahala sa Jacob at hanggang sa mga dulo ng lupa.+ (Selah)
14 Bumalik nawa sila sa gabi;Umangil* nawa silang gaya ng aso at lumibot sa lunsod.+
15 Magpagala-gala nawa sila para humanap ng makakain;+Huwag nawa silang mabusog o makahanap ng matutuluyan.
16 Pero ako, aawit ako tungkol sa iyong kalakasan;+Sa umaga ay masaya kong sasabihin ang tungkol sa iyong tapat na pag-ibig.
Dahil ikaw ang aking ligtas na kanlungan+At lugar na matatakbuhan sa panahon ng paghihirap.+
17 O aking Kalakasan, sa iyo ay aawit ako ng mga papuri,*+Dahil ang Diyos ang aking ligtas na kanlungan, ang Diyos na nagpapakita sa akin ng tapat na pag-ibig.+
Talababa
^ Lit., “ang bahay.”
^ O “mga uhaw sa dugo.”
^ O “Tumatahol.”
^ O “bumubukal.”
^ O “aking mataas at ligtas na lugar.”
^ O “Tumahol.”
^ O “aawit ako at tutugtog.”