Mga Awit 60:1-12
Sa direktor; sa himig ng “Liryo ng Paalaala.” Miktam.* Awit ni David. Para sa pagtuturo. Nang makipaglaban siya sa Aram-naharaim at sa Aram-Zoba, at nang bumalik si Joab at magpabagsak ng 12,000 Edomita sa Lambak ng Asin.+
60 O Diyos, itinakwil mo kami; pinabagsak mo ang mga depensa namin.+
Nagalit ka sa amin; pero ngayon, tanggapin mo kaming muli!
2 Niyanig mo ang lupa; pinabuka mo ito.
Ayusin mo ang mga sira nito, dahil gumuguho na ito.
3 Pinagdusa mo ang bayan mo.
Pinainom mo kami ng alak na nagpasuray sa amin.+
4 Bigyan* mo ng hudyat ang mga may takot sa iyoPara makatakas at makailag sa pana. (Selah)
5 Para masagip ang mga minamahal mo,Iligtas mo kami sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at dinggin mo kami.+
6 Nagsalita ang banal na Diyos:*
“Magsasaya ako, ibibigay ko ang Sikem bilang mana,+At susukatin ko ang Lambak* ng Sucot.+
7 Sa akin ang Gilead, pati ang Manases,+At ang Efraim ang helmet* para sa ulo ko;Ang Juda ang aking baston ng kumandante.+
8 Ang Moab ang aking hugasan.+
Ihahagis ko sa Edom ang sandalyas ko.+
Hihiyaw ako sa kagalakan dahil sa tagumpay ko laban sa Filistia.”+
9 Sino ang magdadala sa akin sa lunsod na pinalibutan ng kaaway?*
Sino ang aakay sa akin hanggang sa Edom?+
10 Hindi ba ikaw, O Diyos, na nagtakwil sa amin,Ang Diyos namin na hindi na sumasama sa aming mga hukbo?+
11 Tulungan mo kami sa pagdurusa namin,Dahil walang saysay na umasa sa pagliligtas ng tao.+
12 Bibigyan kami ng Diyos ng lakas,+At tatapakan niya ang mga kaaway namin.+
Talababa
^ O posibleng “Binigyan.”
^ O posibleng “Nagsalita ang Diyos sa kaniyang banal na lugar.”
^ O “Mababang Kapatagan.”
^ Lit., “tanggulan.”
^ O posibleng “sa napapaderang lunsod.”