Mga Awit 61:1-8

Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Awit ni David. 61  Dinggin mo, O Diyos, ang paghingi ko ng tulong. Pakinggan mo ang panalangin ko.+   Mula sa dulo ng lupa ay tatawag ako sa iyoKapag nagdurusa* ang puso ko.+ Akayin mo ako sa bato na mas mataas kaysa sa akin.+   Dahil ikaw ang kanlungan ko,Isang matibay na tore na poprotekta sa akin mula sa kaaway.+   Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda magpakailanman;+Manganganlong ako sa lilim ng iyong mga pakpak.+ (Selah)   Dahil pinakinggan mo ang mga panata ko, O Diyos. Ibinigay mo sa akin ang manang nakalaan sa mga natatakot sa pangalan mo.+   Pahahabain mo ang buhay* ng hari,+At aabot ng maraming henerasyon ang mga taon ng buhay niya.   Mananatili siya sa kaniyang trono* magpakailanman sa harap ng Diyos;+Ingatan nawa siya ng iyong tapat na pag-ibig at katapatan.+   At aawit ako ng mga papuri* sa pangalan mo magpakailanman+Habang tinutupad ko ang mga panata ko araw-araw.+

Talababa

O “nanghihina.”
Lit., “Daragdagan mo ng mga araw ang mga araw.”
O “Maninirahan siya.”
O “aawit ako at tutugtog para.”

Study Notes

Media