Mga Awit 65:1-13
Sa direktor. Awit ni David.
65 Papuri ang naghihintay sa iyo sa Sion, O Diyos;+Tutuparin namin ang mga panata namin sa iyo.+
2 O Dumirinig ng panalangin, lalapit sa iyo ang lahat ng uri ng tao.*+
3 Natabunan na ako ng mga pagkakamali ko,+Pero pinatatawad mo ang mga kasalanan namin.+
4 Maligaya ang pinipili at pinalalapit moPara tumira sa iyong mga looban.+
Masisiyahan kami sa mabubuting bagay sa iyong bahay,+Ang iyong banal na templo.*+
5 Sasagutin mo kami sa pamamagitan ng kamangha-mangha at matuwid na mga gawa,+O Diyos na aming tagapagligtas;Ikaw ang Pag-asa ng mga tao sa buong lupa+At ng mga nasa malalayong karagatan.
6 Pinatatag mo* ang mga bundok sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan;Nadaramtan ka* ng kalakasan.+
7 Pinatatahimik mo* ang nagngangalit na karagatan,+Ang hampas ng kanilang mga alon, at ang kaguluhan ng mga bansa.+
8 Ang mga nakatira sa malalayong lugar ay mamamangha sa mga gawa* mo;+Dahil sa iyo, hihiyaw sa kagalakan ang mga tao mula sa sikatan hanggang sa lubugan ng araw.
9 Pinangangalagaan mo ang lupa;Ginawa mo itong mabunga* at napakasagana.+
Ang batis ng Diyos ay punô ng tubig.Pinaglalaanan mo sila ng ani,*+Dahil ganiyan mo inihanda ang lupa.
10 Dinidilig mo ang mga tudling* nito at pinapatag ang inararong lupa;Pinalalambot mo ito sa pamamagitan ng ulan; ginagawa mo itong mabunga.+
11 Ang taon ay kinoronahan mo ng iyong kabutihan;Ang landas mo ay nag-uumapaw sa kasaganaan.*+
12 Ang mga pastulan sa ilang ay patuloy na nag-uumapaw,*+At ang mga burol ay nadaramtan ng kagalakan.+
13 Ang mga pastulan ay punong-puno ng kawan,At ang mga lambak* ay nababalutan ng ani.*+
Humihiyaw sila sa kagalakan, oo, umaawit sila.+
Talababa
^ Lit., “lahat ng laman.”
^ O “santuwaryo.”
^ Lit., “niya.”
^ Lit., “siya.”
^ Lit., “niya.”
^ Lit., “tanda.”
^ Lit., “nag-uumapaw.”
^ Lit., “butil.”
^ Makitid na hukay sa inararong lupa.
^ Lit., “tumutulo sa katabaan.”
^ Lit., “tumutulo.”
^ O “mababang kapatagan.”
^ Lit., “butil.”