Mga Awit 67:1-7

Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Isang awit. 67  Magpapakita sa atin ang Diyos ng kagandahang-loob at pagpapalain niya tayo;Pasisinagin niya sa atin ang kaniyang mukha+ (Selah)  2  Para malaman ng buong lupa ang daan mo,+Ng lahat ng bansa ang pagliligtas mo.+  3  Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;Purihin ka nawa ng lahat ng bayan.  4  Magsaya nawa ang mga bansa at humiyaw sa kagalakan,+Dahil hahatulan mo nang may katarungan ang mga bayan.+ Papatnubayan mo ang mga bansa sa lupa. (Selah)  5  Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;Purihin ka nawa ng lahat ng bayan.  6  Ang lupa ay magbibigay ng ani nito;+Pagpapalain tayo ng Diyos, ng ating Diyos.+  7  Pagpapalain tayo ng Diyos,At matatakot* sa kaniya ang mga tao sa buong lupa.+

Talababa

O “magpaparangal.”

Study Notes

Media