Mga Awit 7:1-17

Awit ng pagdadalamhati ni David na inawit niya kay Jehova may kaugnayan sa mga sinabi ni Cus na Benjaminita. 7  O Jehova na aking Diyos, sa iyo ako nanganganlong.+ Iligtas mo ako sa lahat ng umuusig sa akin at sagipin mo ako.+   Kung hindi, lulurayin nila ako gaya ng ginagawa ng leon;+Tatangayin nila ako at walang magliligtas sa akin.   O Jehova na aking Diyos, kung ako ang nagkamali,Kung may inagrabyado ako,   Kung ginawan ko ng masama ang gumagawa ng mabuti sa akin,+O kung sinamsaman ko ang kaaway ko* nang walang dahilan,   Habulin nawa ako at maabutan ng kaaway,Hayaan mong tapak-tapakan niya ako sa lupa hanggang sa mamatayAt maglaho sa alabok ang kaluwalhatian ko. (Selah)   Bumangon ka sa iyong galit, O Jehova;Harapin mo ang poot ng mga kaaway ko;+Gumising ka para sa akin, at iutos mong ilapat ang katarungan.+   Palibutan ka nawa ng mga bansa;At lalabanan mo sila mula sa kaitaasan.   Maglalapat si Jehova ng hatol sa mga bayan.+ Hatulan mo ako, O Jehova, ayon sa matuwid kong mga gawaAt ayon sa katapatan ko.+   Pakisuyo, wakasan mo nawa ang ginagawa ng masasama,Pero patatagin mo ang mga taong matuwid,+Dahil ikaw ang matuwid na Diyos+ na sumusuri sa puso+ at sa kaibuturan ng damdamin.*+ 10  Ang Diyos ang kalasag ko,+ ang Tagapagligtas ng mga tapat ang puso.+ 11  Ang Diyos ay isang matuwid na Hukom,+At inihahayag ng Diyos ang mga hatol niya* araw-araw. 12  Kapag ang sinuman ay hindi nagsisisi,+ pinatatalas ng Diyos ang kaniyang espada;+Binabaluktot niya ang kaniyang búsog at inihahanda ito.+ 13  Inihahanda niya ang kaniyang nakamamatay na mga sandata;Inihahanda niya ang nagliliyab niyang mga palaso.+ 14  Tingnan mo ang isa na nagdadala ng kasamaan sa kaniyang sinapupunan;Naglilihi siya ng gulo at nagsisilang ng kasinungalingan.+ 15  Gumagawa siya ng hukay at pinalalalim pa iyon,Pero nahuhulog siya sa mismong hukay na ginawa niya.+ 16  Ang kaguluhang ginawa niya ay babalik sa sarili niyang ulo,+Ang karahasan niya ay babagsak sa tuktok ng kaniyang ulo. 17  Pupurihin ko si Jehova dahil sa kaniyang katarungan,+Aawit ako ng mga papuri* sa pangalan ni Jehova,+ ang Kataas-taasan.+

Talababa

O posibleng “Samantalang pinaligtas ko ang lumalaban sa akin.”
Lit., “sa mga bato.”
O “nagpupukol ang Diyos ng mga pagtuligsa.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”

Study Notes

Media