Mga Awit 75:1-10

Sa direktor. Sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni Asap.+ 75  Nagpapasalamat kami sa iyo, O Diyos, nagpapasalamat kami sa iyo;Ang pangalan mo ay malapit sa amin,+At ipinahahayag ng mga tao ang kamangha-mangha mong mga gawa.  2  Sinabi mo: “Kapag nagtakda ako ng panahon,Humahatol ako nang patas.  3  Nang manginig* ang lupa at ang lahat ng nakatira dito,Ako ang nagpanatiling matatag sa mga haligi nito.” (Selah)  4  Sinabi ko sa mayayabang, “Huwag kayong magyabang,”At sa masasama, “Huwag ninyong ipagmalaki ang lakas* ninyo.  5  Huwag ninyong ipagmalaki na napakalakas* ninyo,At huwag kayong magsalita nang may kahambugan.  6  Dahil ang kadakilaan ay hindi nagmumulaSa silangan o sa kanluran o sa timog.  7  Dahil ang Diyos ang Hukom.+ Ibinababa niya ang isang tao at itinataas ang isa pa.+  8  Dahil may kopa sa kamay ni Jehova;+Punô ito ng bumubula at natimplahang alak. Tiyak na ibubuhos niya iyon,At iinumin iyon ng lahat ng masasama sa lupa, pati ang latak.”+  9  Pero ako, ihahayag ko ito magpakailanman;Aawit ako ng mga papuri* sa Diyos ni Jacob. 10  Dahil sinabi niya: “Aalisin ko ang lakas* ng masasama,Pero madaragdagan ang lakas* ng matuwid.”

Talababa

Lit., “matunaw.”
Lit., “itaas ang sungay.”
Lit., “itaas ang sungay.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
Lit., “Puputulin ko ang sungay.”
Lit., “itataas ang sungay.”

Study Notes

Media