Mga Awit 78:1-72

Maskil.* Awit ni Asap.+ 78  Makinig kayo, bayan ko, sa aking kautusan;*Makinig kayo sa pananalita ng aking bibig.  2  Bibigkas ako ng mga kasabihan. Magbibigay ako ng sinaunang mga palaisipan.+  3  Ang mga bagay na narinig at nalaman natin,Na ikinuwento sa atin ng ating mga ama,+  4  Ay hindi natin itatago sa ating mga anak;Ikukuwento natin sa darating na henerasyon+Ang kapuri-puring mga gawa ni Jehova at ang lakas niya,+Ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya.+  5  Nagbigay siya ng paalaala sa JacobAt nagtakda ng kautusan sa Israel;Iniutos niya sa ating mga ninunoNa ipaalám ang mga bagay na ito sa kanilang mga anak,+  6  Para malaman ito ng susunod na henerasyon,Ng mga batang ipanganganak pa lang.+ At sila naman ang magkukuwento ng mga ito sa kanilang mga anak.+  7  Sa gayon, magtitiwala sila sa Diyos. Hindi nila kalilimutan ang mga ginawa ng Diyos,+Kundi susundin nila ang kautusan niya.+  8  At hindi sila magiging gaya ng mga ninuno nila,Isang henerasyong matigas ang ulo at mapagrebelde,+Isang henerasyong hindi matatag* ang puso+At hindi tapat sa Diyos.  9  Ang mga Efraimita ay nasasandatahan ng pana,Pero umurong sila sa araw ng labanan. 10  Hindi sila naging tapat sa tipan ng Diyos,+At ayaw nilang sundin ang kautusan niya.+ 11  Nalimutan din nila ang mga ginawa niya,+Ang kamangha-manghang mga gawa na ipinakita niya sa kanila.+ 12  Gumawa siya ng kagila-gilalas na mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno,+Sa lupain ng Ehipto, sa rehiyon ng Zoan.+ 13  Hinati niya ang dagat para makatawid sila,At ginawa niyang parang pader ang tubig.+ 14  Inakay niya sila sa pamamagitan ng ulap kapag arawAt sa pamamagitan ng liwanag ng apoy sa buong gabi.+ 15  Biniyak niya ang mga bato sa ilang,Pinainom niya sila ng tubig na sindami ng tubig sa lawa.+ 16  Nagpabukal siya ng tubig mula sa malaking batoAt pinaagos niya itong gaya ng mga ilog.+ 17  Pero patuloy pa rin silang nagkasala sa kaniya,Naghimagsik sila laban sa Kataas-taasan sa disyerto;+ 18  Hinamon* nila ang Diyos sa puso nila+Noong pilit silang humingi ng gusto nilang pagkain. 19  Kaya nagsalita sila laban sa Diyos.Sinabi nila: “Makapaghahanda ba ang Diyos ng hapag-kainan sa ilang?”+ 20  Hinampas niya ang batoAt umagos ang tubig at bumaha.+ “Makapagbibigay rin kaya siya ng tinapay,O makapagbibigay kaya siya ng karne para sa bayan niya?”+ 21  Nang marinig sila ni Jehova, galit na galit siya;+Lumagablab ang apoy+ laban sa Jacob,At sumiklab ang galit niya laban sa Israel.+ 22  Dahil hindi sila nanampalataya sa Diyos;+Hindi sila nagtiwala sa kakayahan niyang iligtas sila. 23  Kaya inutusan niya ang maulap na kalangitan,At binuksan niya ang mga pinto ng langit. 24  Patuloy siyang nagpaulan ng manna para makain nila;Binigyan niya sila ng butil mula sa langit.+ 25  Kinain ng mga tao ang tinapay ng mga makapangyarihan;*+Naglaan siya nang sapat para mabusog sila.+ 26  Pinabugso niya ang hanging silangan sa langit,At pinahihip niya ang hangin mula sa timog sa pamamagitan ng lakas niya.+ 27  At nagpaulan siya sa kanila ng karne na sindami ng alabok,Ng mga ibon na sindami ng buhangin sa tabing-dagat. 28  Pinabagsak niya ang mga iyon sa gitna ng kaniyang kampo,Sa palibot ng mga tolda niya. 29  At kumain sila at nagpakabundat;Ibinigay niya sa kanila ang gusto nila.+ 30  Pero bago pa nila lubusang masapatan ang pagnanasa nila,Habang nasa bibig pa nila ang pagkain, 31  Sumiklab ang galit ng Diyos sa kanila.+ Pinatay niya ang kanilang matitipunong lalaki;+Pinabagsak niya ang malalakas na lalaki ng Israel. 32  Sa kabila nito, lalo pa silang gumawa ng kasalanan+At hindi sila nanampalataya sa kamangha-mangha niyang mga gawa.+ 33  Kaya winakasan niya ang kanilang mga araw na gaya lang ng hininga,+At tinapos niya ang mga taon nila nang may kaligaligan. 34  Pero kapag sinimulan na niya silang puksain, hinahanap nila siya;+Nanunumbalik sila at hinahanap ang Diyos, 35  At naaalaala nila na ang Diyos ang kanilang Bato+At ang Kataas-taasang Diyos ang kanilang Manunubos.*+ 36  Pero tinangka nilang linlangin siya ng kanilang bibig,At nagsinungaling sila sa kaniya sa pamamagitan ng kanilang dila. 37  Ang puso nila ay hindi nagtiwala sa kaniya;+At hindi sila naging tapat sa kaniyang tipan.+ 38  Pero maawain siya;+Pinatatawad* niya ang pagkakamali nila at hindi sila nililipol.+ Madalas niyang pinipigil ang galit niya,+Sa halip na pag-alabin ang buong poot niya. 39  Dahil inaalaala niyang sila ay laman,+Isang hanging dumadaan at hindi na bumabalik.* 40  Kay dalas nilang magrebelde sa kaniya sa ilang+At saktan ang damdamin niya sa disyerto!+ 41  Paulit-ulit nilang sinubok ang Diyos,+At sinaktan* nila ang Banal ng Israel. 42  Hindi nila inalaala ang kapangyarihan* niya,Ang araw nang iligtas* niya sila mula sa kalaban,+ 43  Kung paano siya nagpakita ng mga tanda sa Ehipto+At ng mga himala sa rehiyon ng Zoan, 44  At kung paano niya ginawang dugo ang mga kanal ng Nilo+Para hindi sila* makainom mula sa kanilang mga batis. 45  Nagpadala siya ng nangangagat na mga langaw para pahirapan* sila+At ng mga palaka para salutin sila.+ 46  Ibinigay niya ang kanilang ani sa matatakaw na balang,Ang pinaghirapan nila sa napakaraming balang.+ 47  Winasak niya ang kanilang mga ubasanAt ang kanilang mga puno ng sikomoro sa pamamagitan ng ulan ng yelo.*+ 48  Nagpabagsak siya ng mga tipak ng yelo sa kanilang mga hayop na pantrabaho,+At pinatamaan niya ng kidlat* ang mga alaga nilang hayop. 49  Ipinatikim niya sa kanila ang kaniyang nag-aapoy na galit,Ang poot at pagkamuhi at paghihirap;Nagsugo siya ng mga anghel para magdala ng kapahamakan. 50  Naghawan siya ng landas para sa kaniyang galit. Hindi niya sila* iniligtas sa kamatayan;At pinuksa niya sila sa pamamagitan ng salot. 51  Bandang huli ay pinatay niya ang lahat ng panganay sa Ehipto,+Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak sa mga tolda ni Ham. 52  Pagkatapos ay inilabas niya ang kaniyang bayan na gaya ng mga tupa,+At ginabayan niya silang gaya ng isang kawan sa ilang. 53  Inakay niya sila at iningatan,At hindi sila nakadama ng takot;+Tinabunan ng dagat ang mga kaaway nila.+ 54  At dinala niya sila sa kaniyang banal na teritoryo,+Sa mabundok na rehiyong ito na kinuha ng kaniyang kanang kamay.+ 55  Pinalayas niya ang mga bansa mula sa harapan nila;+Binigyan niya sila ng kani-kanilang mana sa pamamagitan ng pising panukat;+Pinatira niya ang mga tribo ng Israel sa mga tahanan nila.+ 56  Pero patuloy nilang hinamon* ang Diyos na Kataas-taasan, at nagrebelde sila sa kaniya;+Hindi sila nakinig sa mga paalaala niya.+ 57  Iniwan din nila siya at naging taksil gaya ng mga ninuno nila.+ Hindi sila maaasahan na gaya ng panang maluwag ang bagting.+ 58  Patuloy nila siyang ginalit sa pamamagitan ng kanilang matataas na lugar,+At pinukaw nila ang kaniyang poot* sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen.+ 59  Narinig ito ng Diyos at nagalit siya,+Kaya lubusan niyang itinakwil ang Israel. 60  Bandang huli ay pinabayaan niya ang tabernakulo ng Shilo,+Ang tolda na tinirhan niya kasama ng mga tao.+ 61  Hinayaan niyang mabihag ang simbolo ng kaniyang lakas;Hinayaan niyang mapasakamay ng kalaban ang karilagan niya.+ 62  Hinayaan niyang mamatay sa espada ang bayan niya,+At napoot siya sa kaniyang mana. 63  Tinupok ng apoy ang malalakas niyang lalaki,At hindi inawitan ng awit-pangkasal* ang mga dalaga niya. 64  Namatay sa espada ang mga saserdote niya,+At hindi umiyak ang mga biyuda nila.+ 65  Pagkatapos ay gumising si Jehova na parang galing sa pagkakatulog,+Gaya ng malakas na lalaking+ nahimasmasan mula sa pagkalasing. 66  At pinaurong niya ang mga kalaban niya;+Inilagay niya sila sa kahihiyan magpakailanman. 67  Itinakwil niya ang tolda ni Jose;Hindi niya pinili ang tribo ni Efraim. 68  Pero pinili niya ang tribo ni Juda,+Ang Bundok Sion, na iniibig niya.+ 69  Ang santuwaryo niya ay ginawa niyang gaya ng langit na namamalagi,*+Tulad ng lupa na ginawa niya para manatili magpakailanman.+ 70  Pinili niya ang lingkod niyang si David+At kinuha ito mula sa mga kulungan ng tupa,+ 71  Mula sa pag-aalaga ng mga tupang nagpapasuso;Ginawa niya itong pastol ng Jacob, na bayan niya,+At ng Israel, na kaniyang mana.+ 72  Pinastulan niya* sila nang may tapat na puso+At inakay sila sa pamamagitan ng bihasang mga kamay.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “tagubilin.”
Lit., “handa.”
Lit., “Sinubok.”
O “anghel.”
O “Tagapaghiganti.”
Lit., “Tinatakpan.”
O posibleng “Na nawawala ang puwersa ng buhay at hindi na bumabalik.” Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “pinalungkot.”
Lit., “kamay.”
Lit., “tubusin.”
Mga Ehipsiyo.
Lit., “lamunin.”
O “graniso.”
O posibleng “binigyan niya ng nag-aapoy na lagnat.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sinubok.”
O “paninibugho.”
Lit., “hindi pinuri.”
Lit., “Itinayo niya ang santuwaryo niya gaya ng kaitaasan.”
Si David.

Study Notes

Media