Mga Awit 92:1-15
Isang awit para sa araw ng Sabbath.
92 Mabuti ang magpasalamat kay Jehova+At ang umawit ng mga papuri* sa pangalan mo, O Kataas-taasan,
2 Ang ihayag ang iyong tapat na pag-ibig+ sa umagaAt ang iyong katapatan gabi-gabi,
3 Gamit ang instrumentong may 10 kuwerdas at ang laud,Sa saliw ng magandang himig ng alpa.+
4 Pinasaya mo ako, O Jehova, dahil sa mga ginagawa mo;Dahil sa mga gawa ng iyong mga kamay ay humihiyaw ako sa kagalakan.
5 Kay dakila ng iyong mga gawa, O Jehova!+
Napakalalim ng iyong mga kaisipan!+
6 Ang mga iyon ay hindi malalaman ng taong walang unawa;At hindi maiintindihan ng mangmang ang bagay na ito:+
7 Kahit na ang masasama ay sumisibol na gaya ng panirang-damoAt umuunlad ang lahat ng gumagawa ng mali,Malilipol sila magpakailanman.+
8 Pero ikaw ay dadakilain magpakailanman, O Jehova.
9 Masdan mo ang pagkatalo ng mga kaaway mo, O Jehova,Masdan mo ang pagkalipol ng mga kaaway mo;Ang lahat ng gumagawa ng masama ay mangangalat.+
10 Pero palalakasin mo akong gaya ng* torong-gubat;Papahiran ko ng bagong langis ang balat ko.+
11 Makikita ko ang pagkatalo ng mga kalaban ko;+Maririnig ko ang tungkol sa pagbagsak ng masasamang taong sumasalakay sa akin.
12 Pero ang matuwid ay yayabong na gaya ng puno ng palmaAt lálaki na gaya ng sedro sa Lebanon.+
13 Nakatanim sila sa bahay ni Jehova;Yumayabong sila sa mga looban ng aming Diyos.+
14 Kahit sa pagtanda,* magiging mabunga pa rin sila;+Mananatili silang masigla* at sariwa+
15 Habang inihahayag nila na si Jehova ay matuwid.
Siya ang aking Bato,+ at walang makikitang kasamaan sa kaniya.
Talababa
^ O “umawit at tumugtog para.”
^ Lit., “itataas mo ang sungay ko gaya ng sa.”
^ O “Kahit maputi na ang buhok.”
^ Lit., “mataba.”