Mga Awit 96:1-13

96  Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit.+ Buong lupa, umawit kayo kay Jehova!+  2  Umawit kayo kay Jehova; purihin ninyo ang pangalan niya. Ihayag ninyo araw-araw ang mabuting balita ng pagliligtas niya.+  3  Isaysay ninyo sa mga bansa ang kaluwalhatian niya,Sa lahat ng bayan ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa.+  4  Si Jehova ay dakila at karapat-dapat sa lahat ng papuri. Mas dapat siyang katakutan kaysa sa lahat ng iba pang diyos.  5  Ang lahat ng diyos ng mga bansa ay walang-silbing mga diyos,+Pero si Jehova ang gumawa ng langit.+  6  Napapalibutan siya ng dangal at kaluwalhatian;+Nasa santuwaryo niya ang lakas at kagandahan.+  7  Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya, kayong mga pamilya ng mga bayan,Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya dahil sa kaniyang lakas at kaluwalhatian.+  8  Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya;+Magdala kayo ng kaloob at pumasok sa mga looban niya.  9  Yumukod* kayo kay Jehova nang may banal na kasuotan;*Manginig kayo sa harap niya, buong lupa! 10  Ihayag ninyo sa mga bansa: “Si Jehova ay naging Hari!+ Matibay ang pagkakagawa sa lupa,* hindi ito magagalaw.* Hahatol siya nang patas sa mga bayan.”*+ 11  Magsaya ang langit, at magalak ang lupa;Umugong ang dagat at ang lahat ng naroon;+ 12  Magsaya ang mga parang at ang lahat ng naroon.+ Kasabay nito, ang mga puno sa kagubatan ay humiyaw sa kagalakan+ 13  Sa harap ni Jehova, dahil dumarating* siya,Dumarating siya para hatulan ang lupa. Hahatulan niya ang lupa* ayon sa katuwiran+At ang mga bayan ayon sa kaniyang katapatan.+

Talababa

O posibleng “dahil sa karilagan ng kabanalan niya.”
O “Sumamba.”
O “mabungang lupain.”
O “mayayanig.”
O “Ipaglalaban niya ang usapin ng bayan ayon sa katuwiran.”
O “dumating na.”
O “mabungang lupain.”

Study Notes

Media