Mga Bilang 1:1-54

1  At nakipag-usap si Jehova kay Moises sa ilang ng Sinai,+ sa tolda ng pagpupulong,+ noong unang araw ng ikalawang buwan ng ikalawang taon mula nang lumabas sila sa Ehipto.+ Sinabi niya: 2  “Magsagawa kayo ng sensus+ sa buong bayan ng Israel; bilangin ninyo ang bawat isa ayon sa pamilya at angkan* niya, at ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki. 3  Lahat ng 20 taóng gulang pataas+ na puwedeng sumama sa hukbo ng Israel ay dapat ninyong irehistro ni Aaron ayon sa kani-kanilang grupo.* 4  “Magsama kayo ng isang lalaki mula sa bawat tribo; bawat isa ay dapat na ulo ng kaniyang angkan.+ 5  Ito ang pangalan ng mga lalaking tatayong kasama ninyo: mula kay Ruben, si Elizur+ na anak ni Sedeur; 6  kay Simeon, si Selumiel+ na anak ni Zurisadai; 7  kay Juda, si Nason+ na anak ni Aminadab; 8  kay Isacar, si Netanel+ na anak ni Zuar; 9  kay Zebulon, si Eliab+ na anak ni Helon; 10  sa mga anak ni Jose: mula kay Efraim,+ si Elisama na anak ni Amihud; mula kay Manases, si Gamaliel na anak ni Pedazur; 11  kay Benjamin, si Abidan+ na anak ni Gideoni; 12  kay Dan, si Ahiezer+ na anak ni Amisadai; 13  kay Aser, si Pagiel+ na anak ni Ocran; 14  kay Gad, si Eliasap+ na anak ni Deuel; 15  kay Neptali, si Ahira+ na anak ni Enan. 16  Ito ang mga tinawag mula sa bayan. Sila ang mga pinuno+ ng mga tribo ng kanilang ama, ang mga ulo ng libo-libo sa Israel.”+ 17  Kaya isinama nina Moises at Aaron ang mga lalaking ito na pinili at binanggit ang pangalan. 18  Tinipon nila ang buong bayan noong unang araw ng ikalawang buwan para mailista ang pangalan ng bawat isa sa mga ito at mairehistro ayon sa pamilya at angkan, mula 20 taóng gulang pataas,+ 19  gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. At inirehistro niya sila sa ilang ng Sinai.+ 20  Ang pangalan ng mga anak na lalaki ni Ruben, ang mga inapo ng panganay ni Israel,+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 21  at ang nairehistro sa tribo ni Ruben ay 46,500. 22  Ang pangalan ng mga inapo ni Simeon+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 23  at ang nairehistro sa tribo ni Simeon ay 59,300. 24  Ang pangalan ng mga inapo ni Gad+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 25  at ang nairehistro sa tribo ni Gad ay 45,650. 26  Ang pangalan ng mga inapo ni Juda+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 27  at ang nairehistro sa tribo ni Juda ay 74,600. 28  Ang pangalan ng mga inapo ni Isacar+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 29  at ang nairehistro sa tribo ni Isacar ay 54,400. 30  Ang pangalan ng mga inapo ni Zebulon+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 31  at ang nairehistro sa tribo ni Zebulon ay 57,400. 32  Ang pangalan ng mga inapo ni Jose mula kay Efraim+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 33  at ang nairehistro sa tribo ni Efraim ay 40,500. 34  Ang pangalan ng mga inapo ni Manases+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 35  at ang nairehistro sa tribo ni Manases ay 32,200. 36  Ang pangalan ng mga inapo ni Benjamin+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 37  at ang nairehistro sa tribo ni Benjamin ay 35,400. 38  Ang pangalan ng mga inapo ni Dan+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 39  at ang nairehistro sa tribo ni Dan ay 62,700. 40  Ang pangalan ng mga inapo ni Aser+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 41  at ang nairehistro sa tribo ni Aser ay 41,500. 42  Ang pangalan ng mga inapo ni Neptali+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 43  at ang nairehistro sa tribo ni Neptali ay 53,400. 44  Ito ang mga inirehistro ni Moises, pati ni Aaron at ng 12 pinuno ng Israel, na bawat isa ay kumakatawan sa kaniyang angkan. 45  Lahat ng Israelita na 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo ng Israel ay inirehistro ayon sa kanilang angkan, 46  at ang nairehistro ay 603,550.+ 47  Pero ang mga Levita+ ay hindi inirehistro kasama nila ayon sa tribo ng kanilang mga ama.+ 48  Sinabi ni Jehova kay Moises: 49  “Ang tribo lang ni Levi ang hindi mo irerehistro, at huwag mong idagdag ang bilang nila sa ibang mga Israelita.+ 50  Atasan mo ang mga Levita sa tabernakulo ng Patotoo+ at sa lahat ng bagay na ginagamit para dito.+ Bubuhatin nila ang tabernakulo at lahat ng kagamitan nito,+ at maglilingkod sila roon,+ at magkakampo sila sa palibot ng tabernakulo.+ 51  Tuwing kailangang ilipat ang tabernakulo, mga Levita ang magkakalas nito;+ at tuwing kailangang buoin ang tabernakulo, mga Levita ang gagawa nito; at kung may ibang* lalapit dito, dapat siyang patayin.+ 52  “Ang bawat Israelita ay dapat magtayo ng kaniyang tolda sa itinakdang kampo niya, bawat lalaki sa kaniyang tatlong-tribong pangkat+ ayon sa kanilang mga grupo.* 53  At ang mga Levita ay dapat magkampo sa palibot ng tabernakulo ng Patotoo para hindi ako magalit sa bayang Israel;+ at ang mga Levita ang dapat mangalaga* sa tabernakulo ng Patotoo.”+ 54  Ginawa ng bayang Israel ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises. Gayong-gayon ang ginawa nila.

Talababa

O “angkan ng ama.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “estrangherong,” o hindi Levita.
Lit., “hukbo.”
O “magbantay; magsagawa ng paglilingkod.”

Study Notes

Media