Mga Bilang 17:1-13

17  At sinabi ni Jehova kay Moises: 2  “Kausapin mo ang mga Israelita at kumuha ka sa kanila ng isang tungkod para sa bawat angkan, mula sa mga pinuno ng bawat angkan,+ 12 tungkod lahat-lahat. Isulat mo ang pangalan ng bawat isa sa kaniyang tungkod. 3  Isulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi, dahil may isang tungkod para sa ulo ng bawat angkan. 4  Ilagay mo ang mga tungkod sa tolda ng pagpupulong sa harap ng Patotoo,+ kung saan ako laging nagpapakita sa inyo.+ 5  At ang tungkod ng lalaking pipiliin ko+ ay magkakaroon ng mga usbong, at patitigilin ko ang bulong-bulungan ng mga Israelita laban sa akin,+ na siya ring bulong-bulungan nila laban sa inyo.”+ 6  Kaya nakipag-usap si Moises sa mga Israelita, at lahat ng pinuno nila ay nagbigay sa kaniya ng tungkod—isang tungkod para sa bawat pinuno ng angkan, 12 tungkod—at ang tungkod ni Aaron ay kasama ng mga tungkod nila. 7  At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ni Jehova sa tolda ng Patotoo. 8  Kinabukasan, pagpasok ni Moises sa tolda ng Patotoo, nakita niyang ang tungkod ni Aaron para sa sambahayan ni Levi ay nagkaroon ng mga usbong at namulaklak at namunga ng hinog na mga almendras. 9  Dinala ni Moises sa buong bayan ng Israel ang lahat ng tungkod mula sa harap ni Jehova. Tiningnan nila ang mga ito, at kinuha ng bawat lalaki ang sarili niyang tungkod. 10  Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Ibalik mo ang tungkod ni Aaron+ sa harap ng Patotoo para maingatan ito bilang isang tanda+ sa mga mapaghimagsik,*+ nang sa gayon ay matigil ang mga bulong-bulungan nila laban sa akin at hindi sila mamatay.” 11  Agad na ginawa ni Moises ang iniutos ni Jehova sa kaniya. Gayong-gayon ang ginawa niya. 12  At sinabi ng mga Israelita kay Moises: “Mamamatay kami, siguradong malilipol kami, malilipol kaming lahat! 13  Ang sinumang lumapit man lang sa tabernakulo ni Jehova ay mamamatay!+ Mamamatay ba kaming lahat?”+

Talababa

O “mga anak ng paghihimagsik.”

Study Notes

Media