Mga Bilang 2:1-34

2  At kinausap ni Jehova sina Moises at Aaron: 2  “Ang mga Israelita ay dapat magtayo ng tolda sa itinakdang kampo para sa kanilang tatlong-tribong pangkat,+ bawat lalaki malapit sa bandera* ng angkan niya. Dapat silang magkampo sa palibot ng tolda ng pagpupulong at dapat na nakaharap sila rito. 3  “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Juda ay magkakampo sa gawing silangan, sa sikatan ng araw, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo;* ang pinuno ng mga anak ni Juda ay si Nason+ na anak ni Aminadab. 4  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 74,600.+ 5  Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Isacar; ang pinuno ng mga anak ni Isacar ay si Netanel+ na anak ni Zuar. 6  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 54,400.+ 7  Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Zebulon; ang pinuno ng mga anak ni Zebulon ay si Eliab+ na anak ni Helon. 8  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 57,400.+ 9  “Ang lahat ng nairehistro sa mga hukbo mula sa kampo ni Juda ay 186,400. Sila ang unang aalis.+ 10  “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Ruben+ ay magkakampo sa gawing timog, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo; ang pinuno ng mga anak ni Ruben ay si Elizur+ na anak ni Sedeur. 11  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 46,500.+ 12  Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Simeon; ang pinuno ng mga anak ni Simeon ay si Selumiel+ na anak ni Zurisadai. 13  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 59,300.+ 14  Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Gad; ang pinuno ng mga anak ni Gad ay si Eliasap+ na anak ni Reuel. 15  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 45,650.+ 16  “Ang lahat ng nairehistro sa mga hukbo mula sa kampo ni Ruben ay 151,450, at sila ang ikalawang aalis.+ 17  “Kapag inililipat ang tolda ng pagpupulong,+ ang kampo ng mga Levita ay dapat na nasa gitna ng ibang mga kampo. “Maglalakbay sila gaya ng pagkakasunod-sunod nila kapag nagkakampo,+ bawat isa sa itinakdang puwesto niya, ayon sa kanilang tatlong-tribong pangkat. 18  “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Efraim ay magkakampo sa gawing kanluran, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo;* ang pinuno ng mga anak ni Efraim ay si Elisama+ na anak ni Amihud. 19  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 40,500.+ 20  Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Manases;+ ang pinuno ng mga anak ni Manases ay si Gamaliel+ na anak ni Pedazur. 21  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 32,200.+ 22  Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Benjamin; ang pinuno ng mga anak ni Benjamin ay si Abidan+ na anak ni Gideoni. 23  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 35,400.+ 24  “Ang lahat ng nairehistro sa mga hukbo mula sa kampo ni Efraim ay 108,100, at sila ang ikatlong aalis.+ 25  “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Dan ay magkakampo sa gawing hilaga, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo;* ang pinuno ng mga anak ni Dan ay si Ahiezer+ na anak ni Amisadai. 26  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 62,700.+ 27  Magkakampo sa tabi niya ang tribo ni Aser; ang pinuno ng mga anak ni Aser ay si Pagiel+ na anak ni Ocran. 28  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 41,500.+ 29  Sa kabilang panig naman ay ang tribo ni Neptali; ang pinuno ng mga anak ni Neptali ay si Ahira+ na anak ni Enan. 30  Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 53,400.+ 31  “Ang lahat ng nairehistro mula sa kampo ni Dan ay 157,600. Sa tatlong-tribong mga pangkat, sila ang huling aalis.”+ 32  Ito ang mga Israelita na nairehistro ayon sa angkan nila; ang lahat ng nasa kampo na nairehistro para sa hukbo ay 603,550.+ 33  Pero ang mga Levita ay hindi inirehistrong+ kasama ng ibang Israelita,+ gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises. 34  Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises. Sa ganitong paraan nagkakampo ang bawat tatlong-tribong pangkat+ at sa ganitong paraan sila umaalis,+ bawat isa ayon sa pamilya at angkan niya.

Talababa

O “palatandaan.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”
Lit., “hukbo.”

Study Notes

Media