Mga Bilang 29:1-40
29 “‘At sa unang araw ng ikapitong buwan, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+ Sa araw na iyon, magpapatunog kayo ng trumpeta.+
2 Mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng isang batang toro,* isang lalaking tupa, pitong lalaking kordero* na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,
3 kasama ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal na epa para sa toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa,
4 at ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero,
5 at isang batang lalaking kambing na handog para sa kasalanan bilang pambayad-sala para sa inyo.
6 Ihahandog ninyo ang mga iyon bukod pa sa handog na sinusunog bawat buwan at handog na mga butil nito+ at sa regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito,+ kasama ng handog na inumin ng mga ito.+ Iaalay ninyo ang mga iyon ayon sa itinakdang paraan, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.
7 “‘Sa ika-10 araw ng ikapitong buwan, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon,+ at dapat ninyong pasakitan ang inyong sarili.* Huwag kayong gagawa ng anumang trabaho.+
8 At mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng isang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog.+
9 Kasama ninyong iaalay ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal para sa toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa lalaking tupa,
10 ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa pitong lalaking kordero,
11 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa handog para sa kasalanan bilang pambayad-sala+ at regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito, kasama ng handog na inumin ng mga ito.
12 “‘Sa ika-15 araw ng ikapitong buwan, dapat kayong magdaos ng isang banal na kombensiyon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho, at magdiwang kayo ng isang kapistahan para kay Jehova nang pitong araw.+
13 At mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog,+ isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng 13 batang toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog.+
14 Kasama ninyong iaalay ang handog na mga butil na magandang klase ng harina na hinaluan ng langis, tatlong-ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa 13 toro, dalawang-ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa 2 lalaking tupa,
15 at ikasampu ng isang takal para sa bawat isa sa 14 na lalaking kordero,
16 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
17 “‘Sa ikalawang araw, mag-aalay kayo ng 12 batang toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+
18 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan,
19 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog at handog na mga butil nito, kasama ng handog na inumin ng mga ito.+
20 “‘Sa ikatlong araw, mag-aalay kayo ng 11 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+
21 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan,
22 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
23 “‘Sa ikaapat na araw, mag-aalay kayo ng 10 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+
24 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan,
25 at isang batang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
26 “‘Sa ikalimang araw, mag-aalay kayo ng 9 na toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+
27 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan,
28 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
29 “‘Sa ikaanim na araw, mag-aalay kayo ng 8 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+
30 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan,
31 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
32 “‘At sa ikapitong araw, mag-aalay kayo ng 7 toro, 2 lalaking tupa, at 14 na lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+
33 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa mga toro, lalaking tupa, at lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan,
34 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
35 “‘Sa ikawalong araw, dapat kayong magdaos ng banal na pagtitipon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na trabaho.+
36 Mag-aalay kayo bilang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, ng isang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking kordero na isang taóng gulang, lahat ay malulusog,+
37 kasama ang handog na mga butil at handog na inumin para sa toro, lalaking tupa, at mga lalaking kordero ayon sa bilang ng mga iyon at ayon sa itinakdang paraan,
38 at isang kambing na handog para sa kasalanan, bukod pa sa regular na handog na sinusunog, handog na mga butil nito, at handog na inumin nito.+
39 “‘Iaalay ninyo ang mga ito kay Jehova sa inyong mga kapistahan,+ bukod pa sa inyong mga panatang handog+ at kusang-loob na handog+ bilang handog na sinusunog,+ handog na mga butil,+ handog na inumin,+ at haing pansalo-salo.’”+
40 Sinabi ni Moises sa mga Israelita ang lahat ng iniutos ni Jehova sa kaniya.
Talababa
^ O “lalaking baka.”
^ O “batang tupa.”
^ Puwede itong mangahulugan ng iba’t ibang anyo ng pagkakait sa sarili, kasama na ang pag-aayuno.