Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Nilalaman ng Colosas

  • A. INTRODUKSIYON (1:1-12)

    • Panimulang pagbati ni Pablo (1:1, 2)

    • Ipinagpasalamat ni Pablo sa Diyos ang pananampalataya ng mga taga-Colosas (1:3-8)

    • Ipinanalangin ni Pablo na sumulong sa espirituwal ang mga taga-Colosas para makapamuhay sila nang karapat-dapat sa harap ni Jehova (1:9-12)

  • B. ANG MAHALAGANG PAPEL NI KRISTO SA KATUPARAN NG LAYUNIN NG DIYOS (1:13-23)

    • Ang mga pinahirang Kristiyano ay inilipat ng Diyos sa kaharian ng kaniyang mahal na Anak (1:13, 14)

    • Si Kristo Jesus ang panganay sa lahat ng nilalang, at sa pamamagitan niya ay nilalang ng Diyos ang lahat ng iba pang bagay (1:15-17)

    • Si Kristo ang “una . . . sa lahat ng bagay,” at sa pamamagitan niya ay naipagkasundo sa Diyos ang lahat ng bagay (1:18-20)

    • Ang naipagkasundong mga Kristiyano ay dapat na patuloy na mamuhay kaayon ng kanilang pananampalataya (1:21-23)

  • C. ANG RESPONSIBILIDAD NI PABLO NA IPAALÁM ANG SAGRADONG LIHIM (1:24–2:5)

    • Nagsikap si Pablo na tuparin ang responsibilidad niya para sa kapakanan ng kongregasyon sa Colosas (1:24–2:1)

    • Tumpak na kaalaman tungkol sa sagradong lihim ng Diyos, kay Kristo (2:2, 3)

    • Babala laban sa mapanlinlang na mga turo (2:4, 5)

  • D. KUNG PAANO LALAKAD NA KAISA NI KRISTO (2:6-23)

    • Dapat na malalim ang pagkakaugat ng pananampalataya ng mga Kristiyano, at dapat na magpalakas ito at magpatatag sa kanila (2:6, 7)

    • Mag-ingat sa mapanlinlang at walang-saysay na mga ideya; makikita kay Kristo ang lahat ng katangian ng Diyos sa sukdulang antas (2:8-12)

    • Ipinako ng Diyos sa pahirapang tulos ang sulat-kamay na dokumento (2:13-15)

    • Ang Kautusan ay “anino lang ng mga bagay na darating, anino ng Kristo” (2:16, 17)

    • “Huwag ninyong hayaan na hindi ninyo makuha ang gantimpala” (2:18-23)

  • E. ISUOT ANG BAGONG PERSONALIDAD, AT MAGPASAKOP SA AWTORIDAD NI KRISTO (3:1–4:6)

    • “Laging ituon ang inyong isip sa mga bagay sa itaas” (3:1-4)

    • Patayin ang maruruming pagnanasa ng laman; alisin ang masasamang ugali at pananalita (3:5-11)

    • “Magpakita kayo ng pag-ibig, dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao” (3:12-14)

    • “Hayaang maghari sa puso ninyo ang kapayapaan ng Kristo” (3:15-17)

    • Mga payo sa pamilyang Kristiyano (3:18–4:1)

    • “Magmatiyaga kayo sa pananalangin” (4:2-4)

    • Lumakad nang may karunungan kapag kasama ang mga di-kapananampalataya (4:5, 6)

  • F. PANGHULING MENSAHE AT PAGBATI (4:7-18)

    • Ipinadala sa Colosas sina Tiquico at Onesimo para magdala ng ulat mula sa Roma (4:7-9)

    • Mga pagbati ni Pablo at ng mga kamanggagawa niya (4:10-17)

    • Huling pagbati ni Pablo (4:18)