Daniel 7:1-28

7  Nang unang taon ni Haring Belsasar+ ng Babilonya, nanaginip si Daniel at nakakita ng mga pangitain habang nakahiga siya.+ At isinulat niya ang napanaginipan niya+—ang lahat ng detalye nito. 2  Sinabi ni Daniel: “Noong gabi, nakita ko sa aking mga pangitain na binabayo ng apat na hangin ng langit ang malawak na dagat.+ 3  At apat na dambuhalang hayop+ ang umahon sa dagat. Magkakaiba ang mga ito. 4  “Ang una ay gaya ng leon+ na may mga pakpak ng agila.+ At nakatingin ako rito hanggang sa mabunot ang mga pakpak nito, at itinaas ito mula sa lupa at pinatayo sa dalawa nitong paa na parang tao, at binigyan ito ng puso ng tao. 5  “Ang ikalawang hayop ay gaya ng oso.+ Nakataas ang isang tagiliran nito, at may kagat-kagat itong tatlong tadyang; at sinabihan ito, ‘Bumangon ka at lumamon ng karne.’+ 6  “Pagkatapos, may nakita akong isa pang hayop na gaya ng leopardo,+ pero may apat na pakpak sa likuran nito na gaya ng sa ibon. Mayroon itong apat na ulo+ at binigyan ng awtoridad na mamahala. 7  “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain noong gabi, ang ikaapat na hayop. Nakakatakot ito, kakila-kilabot, may di-pangkaraniwang lakas, at may malalaking ngiping bakal. Nanlalapa ito at nanluluray, at tinatapak-tapakan nito ang anumang natitira.+ Naiiba ito sa lahat ng hayop na nauna rito, at mayroon itong 10 sungay. 8  Habang nakatingin ako sa mga sungay, may tumubo pang isang maliit na sungay+ sa gitna ng mga iyon, at natanggal ang tatlo sa unang mga sungay. At ang sungay na ito ay may mga matang gaya ng sa tao, at may bibig ito na mayabang magsalita.+ 9  “Patuloy akong tumingin hanggang sa may ilagay na mga trono at umupo+ ang Sinauna sa mga Araw.+ Ang damit niya ay puting gaya ng niyebe,+ at ang buhok sa ulo niya ay gaya ng malinis na lana. Ang trono niya ay mga liyab ng apoy; ang mga gulong nito ay nagniningas na apoy.+ 10  May ilog ng apoy na umaagos at lumalabas mula sa harap niya.+ May isang libong libo-libo* na patuloy na naglilingkod sa kaniya, at sampung libong tigsasampung libo* ang nakatayo sa harap niya.+ Umupo ang Hukom,*+ at may mga aklat na nabuksan. 11  “Patuloy akong tumingin nang panahong iyon dahil sa naririnig kong pagyayabang ng sungay;+ nakatingin ako hanggang sa patayin ang hayop at ihagis sa apoy ang katawan nito, at natupok ito. 12  Pero kung tungkol sa iba pang hayop,+ inalis ang awtoridad nilang mamahala, at pinahintulutan pa silang mabuhay sa loob ng isang yugto ng panahon. 13  “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain ko noong gabi. Dumarating ang isang gaya ng anak ng tao+ na kasama ng mga ulap sa langit; at pinayagan siyang lumapit sa Sinauna sa mga Araw,+ at dinala nila siya sa harap Niya. 14  At binigyan siya ng awtoridad na mamahala,+ ng karangalan,+ at ng isang kaharian, para paglingkuran siya ng lahat ng bayan at bansa na iba’t iba ang wika.+ Ang pamamahala niya ay walang hanggan—hindi ito magwawakas, at hindi mawawasak ang kaharian niya.+ 15  “Akong si Daniel ay nabagabag dahil sa nakakatakot na mga pangitaing nakita ko.+ 16  Lumapit ako sa isa sa mga nakatayo para itanong sa kaniya kung ano talaga ang ibig sabihin nito. Kaya sinabi niya sa akin ang kahulugan ng mga bagay na ito. 17  “‘Ang apat na dambuhalang hayop+ na ito ay apat na hari na tatayo mula sa lupa.+ 18  Pero ang mga banal ng Kadaki-dakilaan+ ang tatanggap ng kaharian,+ at magiging kanila ang kaharian+ nang walang hanggan, oo, magpakailanman.’ 19  “At gusto ko pang makaalam ng higit na detalye tungkol sa ikaapat na hayop, na kakaiba sa lahat; talagang nakakatakot ito. Mayroon itong mga ngiping bakal at mga kukong tanso, nanlalapa ito at nanluluray, at tinatapak-tapakan nito ang anumang natitira;+ 20  at tungkol din sa 10 sungay+ na nasa ulo nito, at sa isa pang sungay na tumubo kung kaya natanggal ang 3,+ ang sungay na may mga mata, may mayabang na bibig, at mas malaki kaysa sa iba. 21  “Habang nakatingin ako, nakita ko ang sungay na iyon na nakikipagdigma sa mga banal, at natatalo sila nito,+ 22  hanggang sa dumating ang Sinauna sa mga Araw+ at inilapat niya ang hatol pabor sa mga banal ng Kadaki-dakilaan,+ at dumating ang itinakdang panahon para ibigay ang kaharian sa mga banal.+ 23  “Ito ang sinabi niya: ‘Kung tungkol sa ikaapat na hayop, may ikaapat na kaharian na darating sa lupa. Naiiba ito sa lahat ng iba pang kaharian, at lalamunin nito ang buong lupa at tatapak-tapakan iyon at dudurugin.+ 24  Ang 10 sungay ay ang 10 hari na lilitaw mula sa kahariang iyon; at may isa pang lilitaw na kasunod nila, at naiiba siya sa mga nauna, at 3 hari ang hihiyain niya.+ 25  Magsasalita siya laban sa Kataas-taasan,+ at patuloy niyang pahihirapan ang mga banal ng Kadaki-dakilaan. Gusto niyang baguhin ang mga panahon at kautusan, at ibibigay sila sa kaniyang kamay sa loob ng isang panahon, mga panahon, at kalahating panahon.*+ 26  Pero umupo ang Hukom,* at inalis ang awtoridad niyang mamahala at lubusan siyang pinuksa.+ 27  “‘At ang kaharian at ang pamamahala at ang karangalan ng mga kaharian sa ibabaw ng buong lupa* ay ibinigay sa banal na bayan ng Kadaki-dakilaan.+ Ang kaharian nila ay walang hanggan,+ at ang lahat ng pamahalaan ay maglilingkod at susunod sa kanila.’ 28  “Ito ang katapusan ng ulat. Akong si Daniel ay natakot nang husto kaya namutla ako;* pero iningatan ko sa aking puso ang nakita ko at narinig.”

Talababa

O “isang milyon.”
O “at isang daang milyon.”
Lit., “Hukuman.”
Tatlo at kalahating panahon.
Lit., “Hukuman.”
Lit., “sa silong ng langit.”
O “kaya nagbago ang hitsura ko.”

Study Notes

Media