Deuteronomio 12:1-32

12  “Ito ang mga tuntunin at hudisyal na pasiya na dapat ninyong sunding mabuti habambuhay sa lupaing ibibigay sa inyo ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno. 2  Lubusan ninyong wasakin ang lahat ng lugar kung saan naglingkod sa mga diyos nila ang mga bansang itataboy ninyo+—sa matataas na bundok, sa mga burol, o sa ilalim ng anumang mayabong na puno. 3  Wasakin ninyo ang mga altar nila, gibain ang mga sagradong haligi nila,+ sunugin ang mga sagradong poste* nila, at pabagsakin ang mga inukit na imahen ng mga diyos nila;+ burahin ninyo ang pangalan ng mga ito sa lugar na iyon.+ 4  “Huwag ninyong sambahin ang Diyos ninyong si Jehova sa ganoong paraan.+ 5  Sa halip, hanapin ninyo ang lugar sa teritoryo ng inyong mga tribo na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya. Doon ninyo siya sambahin.+ 6  Doon ninyo dalhin ang inyong mga handog na sinusunog,+ hain, ikapu,*+ abuloy,+ panatang handog, kusang-loob na handog,+ at mga panganay sa inyong bakahan at kawan.+ 7  Doon kayo kumain sa harap ng Diyos ninyong si Jehova kasama ang sambahayan ninyo,+ at magsaya kayo sa lahat ng pinaghirapan ninyo,+ dahil pinagpala kayo ng Diyos ninyong si Jehova. 8  “Huwag ninyong gagawin doon ang ginagawa natin dito ngayon. Ginagawa ng bawat isa anuman ang tama sa paningin niya, 9  dahil hindi pa kayo nakakarating sa lupaing titirhan ninyo+ at sa mana na ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova. 10  Kapag tumawid na kayo sa Jordan+ at nakatira na sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, tiyak na bibigyan niya kayo ng kapahingahan mula sa lahat ng kaaway sa palibot ninyo, at maninirahan kayo nang panatag.+ 11  Dalhin ninyo ang lahat ng ipinadadala ko sa inyo sa lugar na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya+—ang inyong mga handog na sinusunog, hain, ikapu,+ abuloy, at bawat panatang handog ninyo kay Jehova. 12  Magsasaya kayo sa harap ng Diyos ninyong si Jehova,+ pati ang inyong mga anak na lalaki at babae at mga aliping lalaki at babae, gayundin ang mga Levita na nasa mga lunsod* ninyo dahil hindi sila binigyan ng bahagi o mana, hindi gaya ninyo.+ 13  Huwag na huwag ninyong iaalay ang inyong mga handog na sinusunog sa ibang lugar na gustuhin ninyo.+ 14  Ialay ninyo ang inyong mga handog na sinusunog sa lugar lang na pinili ni Jehova sa isa sa mga teritoryo ng mga tribo ninyo, at doon ninyo gawin ang lahat ng iniuutos ko sa inyo.+ 15  “Kailanman ninyo* gustuhin, puwede kayong magkatay at kumain ng karne+ sa alinmang lunsod* ninyo ayon sa natanggap ninyong pagpapala mula sa Diyos ninyong si Jehova. Gaya ng gasela at usa, puwede itong kainin ng taong marumi at malinis. 16  Pero huwag ninyong kakainin ang dugo;+ dapat ninyo itong ibuhos sa lupa gaya ng tubig.+ 17  Hindi ninyo puwedeng kainin sa mga lunsod* ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong mga butil, bagong alak, at langis, pati ang mga panganay sa inyong bakahan at kawan,+ alinman sa inyong mga panatang handog, kusang-loob na handog, at abuloy. 18  Kakainin ninyo ang mga iyon sa harap ng Diyos ninyong si Jehova sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Jehova+—kayo, ang inyong anak na lalaki at babae at aliping lalaki at babae, at ang mga Levita na nasa mga lunsod* ninyo; at magsasaya kayo sa harap ng Diyos ninyong si Jehova dahil sa lahat ng pinaghirapan ninyo. 19  Huwag na huwag ninyong pababayaan ang mga Levita+ habang nabubuhay kayo sa inyong lupain. 20  “Kapag pinalaki na ng Diyos ninyong si Jehova ang teritoryo ninyo,+ gaya ng ipinangako niya sa inyo,+ at sinabi ninyo, ‘Kakain ako ng karne,’ dahil gusto ninyong* kumain ng karne, makakakain kayo ng karne kahit kailan ninyo* gustuhin.+ 21  Kung ang lugar na pinili ng Diyos ninyong si Jehova para sa kaluwalhatian ng pangalan niya+ ay malayo sa inyo, magkatay kayo ng ilan mula sa inyong bakahan o kawan na ibinigay sa inyo ni Jehova, gaya ng iniutos ko sa inyo, at kumain kayo sa inyong mga lunsod* kahit kailan ninyo* gustuhin. 22  Puwede ninyo itong kainin gaya ng gasela at usa;+ puwede itong kainin ng taong marumi at malinis. 23  Basta maging determinado kayong huwag kainin ang dugo,+ dahil ang dugo ay ang buhay,*+ at huwag ninyong kakainin ang buhay* kasama ng laman. 24  Huwag ninyo itong kakainin. Dapat ninyo itong ibuhos sa lupa na parang tubig.+ 25  Huwag ninyo itong kakainin, para mapabuti kayo at ang mga anak ninyo, dahil ginagawa ninyo ang tama sa paningin ni Jehova. 26  Kapag pumunta kayo sa lugar na pinili ni Jehova, ang dadalhin lang ninyo ay ang inyong mga banal na kaloob at mga panatang handog. 27  Ialay ninyo roon ang inyong mga handog na sinusunog, ang karne at dugo,+ sa ibabaw ng altar ng Diyos ninyong si Jehova, at ang dugo ng mga hain ninyo ay dapat ibuhos sa tabi ng altar+ ng Diyos ninyong si Jehova, pero ang karne ay puwede ninyong kainin. 28  “Sundin ninyong mabuti ang lahat ng ito na iniuutos ko sa inyo para lagi kayong mapabuti, pati ang mga anak ninyo, dahil ginagawa ninyo kung ano ang mabuti at tama sa paningin ng Diyos ninyong si Jehova. 29  “Kapag nilipol na ng Diyos ninyong si Jehova ang mga bansang paaalisin ninyo sa lupain nila+ at nakatira na kayo roon, 30  mag-ingat kayo para hindi ninyo magaya ang ginawa nila matapos silang lipulin sa harap ninyo. Huwag ninyong itatanong tungkol sa mga diyos nila, ‘Paano naglilingkod noon ang mga bansang ito sa mga diyos nila? Gagayahin ko sila.’+ 31  Huwag ninyong gagawin iyon sa Diyos ninyong si Jehova, dahil ginagawa nila para sa mga diyos nila ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay na kinapopootan ni Jehova; sinusunog pa nga nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae bilang hain sa mga diyos nila.+ 32  Ang bawat salita na iniuutos ko sa inyo ang dapat ninyong sunding mabuti.+ Huwag ninyo itong daragdagan o babawasan.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “ikasampung bahagi.”
Lit., “nasa loob ng mga pintuang-daan.”
Lit., “sa loob ng lahat ng pintuang-daan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sa loob ng mga pintuang-daan.”
Lit., “nasa loob ng mga pintuang-daan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “sa loob ng inyong mga pintuang-daan.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”

Study Notes

Media