Eclesiastes 12:1-14

12  Alalahanin mo ngayon ang iyong Dakilang Maylalang habang kabataan ka pa,+ bago dumating ang panahon na punô ng problema*+ at ang mga taon kung kailan sasabihin mo: “Hindi ako masaya sa buhay ko”; 2  bago magdilim ang araw, liwanag, buwan, at mga bituin,+ at bumalik ang ulap pagkatapos ng ulan;* 3  sa panahong nanginginig na ang mga bantay* sa bahay, at hukot na ang malalakas na lalaki, at hindi na naggigiling ang mga babae dahil kaunti na lang sila, at nadidiliman ang mga babaeng nakatanaw sa mga bintana;+ 4  kapag sarado na ang mga pintong nakaharap sa lansangan, kapag humina na ang tunog ng gilingan, kapag nagigising na ang isa dahil lang sa huni ng ibon, at kapag humina na ang awit ng mga babae.+ 5  Gayundin, ang isa ay takot na sa matataas na lugar, at marami siyang ikinakatakot sa lansangan. At ang punong almendras ay namumulaklak na,+ at kinakaladkad ng tipaklong ang sarili niya, at pumutok na ang bunga ng alcaparra,* dahil ang tao ay lumalakad patungo sa tahanang matagal niyang titirhan+ at ang mga tagahagulgol ay lumilibot na sa lansangan;+ 6  bago maalis ang panaling pilak, madurog ang gintong mangkok, mabasag ang banga sa may bukal, at madurog ang gulong ng panalok sa imbakan ng tubig. 7  Pagkatapos, ang alabok ay babalik sa lupa,+ kung saan ito galing, at ang puwersa ng buhay* ay babalik sa tunay na Diyos na nagbigay nito.+ 8  “Talagang walang kabuluhan!” ang sabi ng tagapagtipon.+ “Ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan.”+ 9  Bukod sa naging marunong ang tagapagtipon, patuloy niya ring itinuro sa mga tao ang nalalaman niya,+ at nagmuni-muni siya at nagsaliksik na mabuti para makapagtipon ng* maraming kawikaan.+ 10  Sinikap ng tagapagtipon na makahanap ng magagandang salita+ at maisulat nang tumpak ang mga salita ng katotohanan. 11  Ang mga salita ng marurunong ay gaya ng tungkod na panggabay* sa baka,+ at ang mga kasabihang tinipon nila ay gaya ng mga pakong malalim ang pagkakabaon; ang mga ito ay galing sa isang pastol. 12  Pero kung tungkol sa iba pang bagay, binababalaan kita, anak ko: Walang katapusan ang paggawa ng maraming aklat, at nakakapagod ang sobrang pag-uukol ng panahon sa mga iyon.+ 13  Pagkatapos kong masabi ang lahat ng ito, ito ang punto: Matakot ka sa tunay na Diyos+ at sundin mo ang mga utos niya,+ dahil ito ang obligasyon ng tao.+ 14  Dahil hahatulan ng tunay na Diyos ang bawat gawa, pati na ang lahat ng nakatago, kung ito ay mabuti o masama.+

Talababa

O “ang kapaha-pahamak na mga araw.”
O posibleng “ang ulap na may kasamang ulan.”
O “tagapangalaga.”
Isang bunga na pampagana sa pagkain.
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
O “maiayos ang.”
Isang tungkod na matulis ang dulo na ginagamit para pakilusin ang isang hayop.

Study Notes

Media