Eclesiastes 3:1-22
3 May takdang panahon para sa lahat ng bagay,Isang panahon para sa bawat gawain sa ibabaw ng lupa:*
2 Panahon ng kapanganakan at panahon ng kamatayan;Panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot sa itinanim;
3 Panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling;Panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo;
4 Panahon ng pag-iyak at panahon ng pagtawa;Panahon ng paghagulgol at panahon ng pagsasayaw;*
5 Panahon ng paghahagis ng mga bato at panahon ng pagtitipon ng mga bato;Panahon ng pagyakap at panahon ng pag-iwas sa pagyakap;
6 Panahon ng paghanap at panahon ng pagtanggap sa pagkawala;Panahon ng pag-iingat at panahon ng pagtatapon;
7 Panahon ng pagpunit+ at panahon ng pananahi;Panahon ng pagtahimik+ at panahon ng pagsasalita;+
8 Panahon para umibig at panahon para mapoot;+Panahon para sa digmaan at panahon para sa kapayapaan.
9 Ano ang pakinabang ng manggagawa sa lahat ng pagsisikap niya?+
10 Nakita ko ang gawaing ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao para maging abala sila.
11 Ginawa niyang maganda* ang lahat ng bagay sa tamang panahon nito.+ Inilagay pa nga niya sa puso nila ang magpakailanman; pero hinding-hindi mauunawaan ng sangkatauhan ang lahat ng gawa ng tunay na Diyos mula pasimula hanggang wakas.
12 Nakita ko na wala nang mas mabuti para sa kanila kundi ang magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay sila,+
13 at na ang bawat isa ay dapat kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya. Regalo iyan ng Diyos.+
14 Nalaman ko na ang lahat ng ginawa ng tunay na Diyos ay tatagal magpakailanman. Wala nang kailangang idagdag o ibawas dito. Ginawa ito ng tunay na Diyos sa ganitong paraan para matakot sa kaniya ang mga tao.+
15 Lahat ng nangyayari ay nangyari na noon, at lahat ng darating ay noon pa naririto;+ pero hinahanap ng tunay na Diyos kung ano ang sinisikap na makamit.*
16 Nakita ko rin ito sa ilalim ng araw: Kung saan dapat may katarungan ay may kasamaan, at kung saan dapat may katuwiran ay may kasamaan.+
17 Kaya sinabi ko sa sarili* ko: “Parehong hahatulan ng tunay na Diyos ang matuwid at ang masama,+ dahil may panahon para sa bawat gawain at bawat pagkilos.”
18 Sinabi ko rin sa sarili* ko na susubukin ng tunay na Diyos ang mga anak ng tao at ipapakita sa kanila na gaya sila ng mga hayop,
19 dahil ang mangyayari sa hayop ay mangyayari din sa tao; pareho sila ng kahihinatnan.+ Kung paanong namamatay ang hayop, namamatay rin ang tao; at lahat sila ay may iisang puwersa ng buhay.*+ Kaya ang tao ay walang kahigitan sa hayop, dahil ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan.
20 Iisa lang ang kapupuntahan ng lahat.+ Lahat sila ay galing sa alabok,+ at lahat sila ay babalik sa alabok.+
21 Sino ang talagang nakaaalam kung ang puwersa ng buhay* ng tao ay pumapaitaas at kung ang puwersa ng buhay* ng hayop ay bumababa sa lupa?+
22 At nakita ko na wala nang mas mabuti para sa tao kundi ang masiyahan sa ginawa niya,+ dahil iyon ang gantimpala* niya; dahil sino ang makapagpapakita sa kaniya ng mangyayari kapag wala na siya?+
Talababa
^ Lit., “sa silong ng langit.”
^ Lit., “pagtalon; paglukso-lukso.”
^ O “maayos; angkop.”
^ O posibleng “kung ano ang wala na.”
^ Lit., “puso.”
^ Lit., “puso.”
^ O “bahagi.”