Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)

Nilalaman ng Efeso

  • A. PANIMULANG PAGBATI (1:1, 2)

  • B. LAYUNIN NG DIYOS NA IBALIK ANG PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN SA PAMAMAGITAN NI KRISTO (1:3–3:21)

    • 1. Ang maluwalhating walang-kapantay na kabaitan ng Diyos at ang pagsisiwalat ng sagradong lihim ng kaniyang kalooban (1:3-23)

      • Espirituwal na mga pagpapala para sa mga piniling maging kaisa ni Kristo (1:3-7)

      • Layunin ng Diyos na tipunin ang lahat ng bagay sa Kristo sa pamamagitan ng “isang administrasyon” (1:8-14)

      • Nagpasalamat si Pablo sa Diyos dahil sa pananampalataya ng mga taga-Efeso, at ipinanalangin niyang bigyan sila ng karunungan (1:15-23)

    • 2. Ang mga Kristiyanong Judio at di-Judio ay magkakasama at unti-unting nagiging ”isang banal na templo para kay Jehova” (2:1-22)

      • Kahit patay noon ang mga Kristiyano dahil sa mga pagkakamali at kasalanan nila, binuhay sila ng Diyos dahil sa kaniyang walang-kapantay na kabaitan (2:1-7)

      • Sa pamamagitan ng walang-kapantay na kabaitan, naililigtas ang mga Kristiyano dahil sa pananampalataya nila at hindi dahil sa gawa (2:8-10)

      • Ang mga di-Judio, na walang Diyos at walang pag-asa noon, ay naipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo (2:11-13)

      • Nang gibain ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at di-Judio, puwede nang magkaisa ang dalawang grupong ito at parehong maging kaisa ni Kristo (2:14-18)

      • Ang mga Kristiyanong Judio at di-Judio ay parehong itinayo sa pundasyon at naging isang espirituwal na templo (2:19-22)

    • 3. Katiwala si Pablo ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos (3:1-21)

      • Isang bahagi ng sagradong lihim: Ang mga Judio at di-Judio ay parehong puwedeng maging kasamang tagapagmana ni Kristo (3:1-7)

      • Ang mga ginagawa ng Diyos sa kongregasyon ay nagsisiwalat ng karunungan ng Diyos kahit sa mga nasa langit (3:8-13)

      • Ipinanalangin ni Pablo na magkaroon ng kaunawaan ang mga taga-Efeso at malaman ang pag-ibig ng Kristo (3:14-21)

  • C. MAMUHAY NANG KARAPAT-DAPAT BILANG ISANG NAGKAKAISANG KONGREGASYONG KRISTIYANO (4:1–6:20)

    • 1. Inilalaan ng Diyos ang lahat ng kailangan para maging kaisa ng mga Kristiyano si Kristo (4:1-16)

      • May iisang espiritu, gantimpala, pananampalataya, bautismo, at katawan sa ilalim ng iisang Panginoon at iisang Diyos at Ama (4:1-6)

      • Nakakatulong ang “mga tao bilang regalo” sa pagkakaisa at pagsulong ng kongregasyon (4:7-16)

    • 2. Mahalaga sa pagkakaisa ang pagsusuot ng bagong personalidad (4:17–5:20)

      • Huwag nang mamuhay gaya ng mga bansa (4:17-19)

      • Kapag nabago ng isang Kristiyano ang takbo ng kaniyang isip, makikita sa pagkilos niya ang bagong personalidad (4:20-32)

      • Tularan ang Diyos (5:1, 2)

      • Pananalita at pagkilos na walang bahid ng imoralidad at karumihan (5:3-5)

      • Lumakad bilang mga anak ng liwanag (5:6-14)

      • Patuloy na alamin kung ano ang kalooban ni Jehova, at patuloy na pagsikapang mapuspos ng espiritu (5:15-20)

    • 3. Mahalaga sa pagkakaisa ang tamang pagpapasakop sa iba (5:21–6:9)

      • Inihalintulad ang ugnayang pangmag-asawa sa ugnayan ni Kristo at ng kongregasyon (5:21-33)

      • Ugnayan ng magulang at anak (6:1-4)

      • Ugnayan ng panginoon at alipin (6:5-9)

    • 4. Kung paano magtatagumpay ang mga Kristiyano laban sa makapangyarihan at napakasasamang espiritu (6:10-20)

      • Kailangan ng “kumpletong kasuotang pandigma mula sa Diyos” para malabanan ang tusong mga pakana ng Diyablo (6:10-13)

      • Ipinaliwanag ang iba’t ibang bahagi ng kasuotang pandigma (6:14-17)

      • Gamitin ang lahat ng uri ng panalangin at pagsusumamo sa bawat pagkakataon (6:18-20)

  • D. PANGHULING MENSAHE (6:21-24)

    • Isinugo ni Pablo si Tiquico sa Efeso (6:21, 22)

    • Dalangin ni Pablo na magkaroon ang mga taga-Efeso ng kapayapaan at pag-ibig mula sa Diyos (6:23, 24)