Esther 7:1-10

7  Kaya ang hari at si Haman+ ay nagpunta sa handaan ni Reyna Esther. 2  Sinabi ulit ng hari kay Esther noong ikalawang araw, habang umiinom sila ng alak: “Ano ang hiling mo, Reyna Esther? Ibibigay ko iyon sa iyo! Ano ang gusto mo? Kahit kalahati ng kaharian ko, ibibigay ko sa iyo!”+ 3  Sumagot si Reyna Esther: “Kung nalulugod kayo sa akin, mahal na hari, at kung mabuti sa tingin ng hari, iligtas ninyo ako at ang bayan ko+ mula sa kamatayan. 4  Dahil ipinagbili kami,+ ako at ang bayan ko, para lipulin, patayin, at puksain.+ Kung ipinagbili lang kami bilang mga alipin, mananahimik na lang sana ako. Pero makasasama rin ito sa hari, kaya hindi dapat hayaang mangyari ang kapahamakang ito.” 5  Sinabi ni Haring Ahasuero kay Reyna Esther: “Sino siya? Nasaan ang taong nangahas na gawin iyan?” 6  Sumagot si Esther: “Ang kalaban at kaaway ay ang masamang taong ito, si Haman.” Natakot si Haman sa hari at sa reyna. 7  Tumayo ang hari sa tindi ng galit at nagpunta sa hardin ng palasyo. Tumayo rin si Haman para magmakaawa kay Reyna Esther na iligtas siya, dahil alam niyang tiyak na paparusahan siya ng hari. 8  Bumalik ang hari mula sa hardin ng palasyo at nakita niyang nakasubsob si Haman sa higaan kung saan naroon si Esther. Sumigaw ang hari: “Gagahasain mo pa ang reyna sa sarili kong bahay?” Pagkasabi ng hari sa mga salitang ito, tinakpan nila ang mukha ni Haman. 9  Sinabi ni Harbona,+ na isa sa mga opisyal ng palasyo: “Nagpagawa rin si Haman ng tulos para kay Mardokeo,+ ang nagligtas sa buhay ng hari dahil sa kaniyang ulat.+ Nakatayo sa bahay ni Haman ang tulos na 50 siko* ang taas.” Kaya sinabi ng hari: “Ibitin siya roon.” 10  At ibinitin nila si Haman sa tulos na inihanda nito para kay Mardokeo, at ang galit ng hari ay humupa.

Talababa

Mga 22.3 m (73 ft). Tingnan ang Ap. B14.

Study Notes

Media