Exodo 11:1-10

11  At sinabi ni Jehova kay Moises: “Magpapadala ako ng isa pang salot sa Paraon at sa Ehipto. Pagkatapos nito, papayagan na niya kayong umalis.+ Kapag pinaalis niya kayo, talagang itataboy niya kayo.+  Sabihan mo ang bayan na ang lahat ng lalaki at babae ay dapat humingi sa kanilang kapitbahay ng mga kagamitang pilak at ginto.”+  Ang bayan ay naging kalugod-lugod sa paningin ng mga Ehipsiyo dahil kay Jehova. Naging napakataas din ng tingin kay Moises ng mga lingkod ng Paraon at ng mga tao sa Ehipto.  At sinabi ni Moises: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Pagdating ng mga hatinggabi, pupunta ako sa Ehipto,+  at ang lahat ng panganay sa Ehipto ay mamamatay,+ mula sa panganay ng Paraong nakaupo sa kaniyang trono hanggang sa panganay ng aliping babaeng gumagamit ng gilingan,* at ang lahat ng panganay ng mga hayop.+  Magkakaroon ng napakalakas na pag-iyak sa buong Ehipto, na hindi pa nangyari kahit kailan at hindi na muling mangyayari.+  Pero walang isa mang aso ang tatahol* sa mga Israelita, sa mga tao o sa mga alagang hayop nila, at makikita ninyo ang pagkakaiba ng pakikitungo ni Jehova sa mga Ehipsiyo at sa mga Israelita.’+  At lahat ng lingkod mo ay pupunta sa akin at yuyukod, na sinasabi, ‘Umalis na kayo, ikaw at ang buong bayan na sumusunod sa iyo.’+ At pagkatapos ay aalis ako.” Pagkasabi nito, umalis siya sa harap ng galit na galit na Paraon.  Sinabi ni Jehova kay Moises: “Hindi makikinig sa inyo ang Paraon,+ para dumami pa ang himala ko sa Ehipto.”+ 10  Nakita ng Paraon ang lahat ng himalang ito na ginawa nina Moises at Aaron,+ pero hinayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ng Paraon, kaya hindi nito pinayagang umalis ang mga Israelita sa lupain nito.+

Talababa

O “gilingang pangkamay.”
Lit., “ang magpapatalas ng dila.”

Study Notes

Media