Ezekiel 15:1-8

15  Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova:  “Anak ng tao, ano ang kaibahan ng kahoy ng punong ubas sa lahat ng iba pang puno o sanga ng mga puno sa gubat?  Makakakuha ba roon ng mahabang kahoy na pambuhat? O magagamit ba iyon na sabitán ng gamit?  Inihahagis iyon sa apoy bilang panggatong at inuubos ng apoy ang magkabilang dulo nito, at nagiging uling ang gitnang bahagi. Kaya may mapaggagamitan pa ba nito?  Wala na itong gamit noong buo pa ito; lalo pa kung nasunog na ito at naging uling!”  “Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Kung paanong ang kahoy ng punong ubas na nasa gitna ng mga puno sa gubat ay ibinibigay ko bilang panggatong sa apoy, gayon din ang gagawin ko sa mga nakatira sa Jerusalem.+  Kikilos ako laban sa kanila. Nakatakas sila sa apoy, pero tutupukin din sila ng apoy. At kapag kumilos na ako laban sa kanila, malalaman ninyo na ako si Jehova.’”+  “‘At gagawin kong tiwangwang ang lupain+ dahil hindi sila naging tapat,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”

Talababa

Study Notes

Media