Ezekiel 25:1-17

25  Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova:  “Anak ng tao, tumingin ka sa direksiyon ng mga Ammonita+ at humula laban sa kanila.+  Sabihin mo tungkol sa mga Ammonita, ‘Pakinggan mo ang mensahe ng Kataas-taasang Panginoong Jehova. Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Dahil sinabi mo, ‘Buti nga!’ nang lapastanganin ang aking santuwaryo at nang maging tiwangwang ang lupain ng Israel at nang ipatapon ang sambahayan ng Juda,  ibibigay kita sa mga taga-Silangan bilang pag-aari. Magtatayo sila ng mga kampo* sa loob mo at ng mga tolda sa gitna mo. Kakainin nila ang iyong mga bunga at iinumin ang iyong gatas.  Gagawin kong pastulan ng mga kamelyo ang Raba+ at pahingahan ng kawan ang lupain ng mga Ammonita; at malalaman ninyo na ako si Jehova.”’”  “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil pumalakpak ka+ at pumadyak at tuwang-tuwa ka sa masamang nangyari sa lupain ng Israel,+  gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa iyo at ibibigay kita sa ibang bansa para samsaman. Papawiin kita bilang isang bayan at lilipulin kita sa mga lupain.+ Pupuksain kita, at malalaman mo na ako si Jehova.’  “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil sinabi ng Moab+ at Seir,+ “Ang sambahayan ng Juda ay katulad na lang ng lahat ng ibang bansa,”  gagawin kong hantad ang mga lunsod ng Moab na nasa hangganan nito, na nasa dalisdis nito, ang pinakamagagandang lunsod nito,* ang Bet-jesimot, Baal-meon, at hanggang sa Kiriataim.+ 10  Ibibigay ko sila sa mga taga-Silangan bilang pag-aari kasama ang mga Ammonita,+ at hindi na maaalaala ang mga Ammonita bilang isang bansa.+ 11  At ilalapat ko ang hatol sa Moab,+ at malalaman nila na ako si Jehova.’ 12  “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Naghiganti ang Edom sa sambahayan ng Juda, at nakagawa sila ng malaking pagkakasala dahil dito;+ 13  kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Gagamitin ko rin ang kapangyarihan* ko laban sa Edom at lilipulin ko ang mga tao at alagang hayop dito, at gagawin ko itong tiwangwang.+ Mula Teman hanggang Dedan, mamamatay sila sa espada.+ 14  ‘Maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng aking bayang Israel.+ Ibubuhos nila sa Edom ang aking galit at poot para matikman nito ang paghihiganti ko,’+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.”’ 15  “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Dahil sa hindi mawala-walang galit ng mga Filisteo, lagi silang naghahanap ng pagkakataon na maghiganti at magpahamak.+ 16  Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Gagamitin ko ang kapangyarihan* ko laban sa mga Filisteo,+ at lilipulin ko ang mga Kereteo+ at ang mga naiwang nakatira sa baybaying dagat.+ 17  Maglalapat ako sa kanila ng napakatinding mga parusa bilang paghihiganti, at malalaman nila na ako si Jehova kapag naghiganti ako sa kanila.”’”

Talababa

O “napapaderang kampo.”
Lit., “kamay.”
O “ang dekorasyon ng lupain nito.”
Lit., “kamay.”
Lit., “kamay.”

Study Notes

Media