Ezekiel 35:1-15

35  Dumating ulit sa akin ang salita ni Jehova:  “Anak ng tao, humarap ka sa mabundok na rehiyon ng Seir+ at humula laban dito.+  Sabihin mo rito, ‘Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Kikilos ako laban sa iyo, O mabundok na rehiyon ng Seir, at iuunat ko ang kamay ko laban sa iyo at gagawin kitang isang tiwangwang na lupain.+  Wawasakin ko ang iyong mga lunsod, at ikaw ay magiging isang tiwangwang na lupain;+ at malalaman mo na ako si Jehova.  Dahil lagi mong kinakalaban ang mga Israelita,+ at ibinigay mo sila sa espada noong panahon ng paghihirap nila, noong dumating ang pangwakas na parusa para sa kanila.”’+  “‘Kaya isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘nakaabang na sa iyo ang kamatayan,* at ipahahabol kita rito.+ Dahil pinatay mo ang mga kinapopootan mo, ipahahabol kita sa kamatayan.+  Gagawin kong isang tiwangwang na lupain ang mabundok na rehiyon ng Seir,+ at papatayin ko ang sinumang dumadaan o bumabalik dito.  Pupunuin ko ang mga bundok nito ng mga pinatay; at ang mga pinatay sa espada ay mabubuwal sa iyong mga burol, mga lambak, at sa lahat ng iyong batis.  Gagawin kitang tiwangwang magpakailanman, at hindi na titirhan ang iyong mga lunsod;+ at malalaman ninyo na ako si Jehova.’ 10  “Sinabi mo, ‘Magiging akin ang dalawang bansang ito at ang dalawang lupaing ito, at kukunin namin ang mga iyon,’+ kahit naroon si Jehova, 11  ‘kaya isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, ‘ipapakita ko rin sa iyo ang galit, inggit, at pagkapoot na ipinakita mo sa kanila;+ at ipapakilala ko sa kanila ang sarili ko kapag hinatulan kita. 12  At malalaman mo na ako mismong si Jehova ang nakarinig sa lahat ng panghahamak mo sa mga bundok ng Israel nang sabihin mo, “Ginawang tiwangwang ang mga iyon at ibinigay sa atin para wasakin.”* 13  At nagyabang kayo sa akin, at marami kayong sinabi laban sa akin.+ Narinig ko ang lahat ng iyon.’ 14  “Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: ‘Magsasaya ang buong lupa kapag ginawa kitang isang tiwangwang na lupain. 15  Dahil nagsaya ka nang maging tiwangwang ang mana ng sambahayan ng Israel, gayon din ang gagawin ko sa iyo.+ Mawawasak ka at magiging tiwangwang, O mabundok na rehiyon ng Seir, oo, ang buong Edom;+ at malalaman nila na ako si Jehova.’”

Talababa

Lit., “pagdanak ng dugo.”
Lit., “para maging pagkain.”

Study Notes

Media