Isaias 1:1-31

1  Ang pangitaing nakita ni Isaias*+ na anak ni Amoz may kinalaman sa Juda at Jerusalem noong panahon nina Uzias,+ Jotam,+ Ahaz,+ at Hezekias,+ na mga hari ng Juda:+  2  Dinggin mo, O langit, at pakinggan mo, O lupa,+Dahil sinabi ni Jehova: “Nagpalaki ako at nag-alaga ng mga anak,+Pero nagrebelde sila sa akin.+  3  Kilalang-kilala ng toro ang bumili sa kaniya,At alam na alam ng asno ang sabsaban ng nagmamay-ari sa kaniya;Pero hindi ako kilala ng Israel,*+Ang sarili kong bayan ay hindi kumikilos nang may kaunawaan.”  4  Kaawa-awa ang makasalanang bansa,+Isang bayang lugmok sa kasalanan,Isang lahi ng masasamang tao, tiwaling mga anak! Iniwan nila si Jehova;+Nilapastangan nila ang Banal ng Israel;Tinalikuran nila siya.  5  Saan pa ninyo gustong masaktan at patuloy kayong nagrerebelde?+ Napinsala na ang buong ulo ninyo,At may sakit ang buong puso ninyo.+  6  Mula talampakan hanggang ulo, walang bahaging malusog. May mga galos at mga pasa at sariwang mga sugat—Ang mga ito ay hindi pa nagagamot* o nabebendahan o napalalambot ng langis.+  7  Tiwangwang ang lupain ninyo. Sunóg ang mga lunsod ninyo. Harap-harapang nilalamon ng mga dayuhan ang mga bunga ng lupain ninyo.+ Para itong tiwangwang na lupaing winasak ng mga dayuhan.+  8  Ang anak na babae ng Sion ay naiwang gaya ng isang silungan* sa ubasan,Gaya ng isang kubo sa taniman ng pipino,Gaya ng isang lunsod na napapalibutan ng kaaway.+  9  Kung hindi iniligtas ni Jehova ng mga hukbo ang ilan sa atin,Naging gaya na tayo ng SodomaAt naging katulad ng Gomorra.+ 10  Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, kayong mga diktador* ng Sodoma.+ Pakinggan ninyo ang kautusan* ng ating Diyos, kayong bayan ng Gomorra.+ 11  “Ano ang pakinabang ko sa marami ninyong handog?”+ ang sabi ni Jehova. “Sawa na ako sa inyong mga lalaking tupa bilang handog na sinusunog+ at sa taba ng pinataba ninyong mga hayop,+At hindi ako nalulugod sa dugo+ ng mga batang toro+ at mga kordero* at mga kambing.+ 12  Kapag humaharap kayo sa akin,+Sino ang nag-uutos sa inyo na gawin iyan?Niyuyurakan lang ninyo ang mga looban ko.+ 13  Tigilan na ninyo ang pagdadala ng walang-kabuluhang handog na mga butil.+ Nasusuklam ako sa mga insenso ninyo. Mga bagong buwan,+ mga sabbath,+ panawagan para sa mga kombensiyon+—Hindi ko na matiis ang paggamit ninyo ng mahika+ kasabay ng inyong banal na pagtitipon. 14  Napopoot ako* sa inyong mga bagong buwan at sa inyong mga kapistahan. Naging pabigat sa akin ang mga iyon;Hindi ko na kayang tiisin ang mga iyon. 15  At kapag itinataas ninyo ang inyong mga kamay,Hindi ako tumitingin sa inyo.+ Kahit nananalangin kayo nang maraming ulit,+Hindi ako nakikinig;+Punô ng dugo ang mga kamay ninyo.+ 16  Maghugas kayo, linisin ninyo ang inyong sarili;+Alisin ninyo sa paningin ko ang masasama ninyong gawain;Tigilan na ninyo ang paggawa ng masama.+ 17  Matuto kayong gumawa ng mabuti; hanapin ninyo ang katarungan,+Ituwid ninyo ang nang-aapi,Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng batang walang ama,*At ipaglaban ninyo ang usapin ng biyuda.”+ 18  “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+ “Kahit na ang mga kasalanan ninyo ay gaya ng iskarlata,*Mapapuputi ang mga ito na gaya ng niyebe;+Kahit na simpula ang mga ito ng telang krimson,Magiging simputi ng lana ang mga ito. 19  Kung handa kayong makinig,Kakainin ninyo ang mabubuting bagay sa lupain.+ 20  Pero kung tatanggi kayo at magrerebelde,Lalamunin kayo ng espada,+Dahil si Jehova ang nagsabi nito.” 21  Ang tapat na lunsod+ ay naging babaeng bayaran!+ Dati ay katarungan ang namamayani sa kaniya;+Katuwiran ang nakatira noon sa kaniya,+Pero ngayon ay mga mamamatay-tao.+ 22  Ang iyong pilak ay naging dumi.*+At ang iyong serbesa* ay may halong tubig. 23  Matigas ang ulo ng iyong matataas na opisyal at kasabuwat sila ng mga magnanakaw.+ Lahat sila ay mahilig sa suhol at naghahabol ng regalo.+ Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga walang ama,*At hindi nakakarating sa kanila ang kaso ng mga biyuda.+ 24  Kaya sinabi ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,Ang Makapangyarihan ng Israel: “Aalisin ko sa harap ko ang mga kalaban ko,At maghihiganti ako sa mga kaaway ko.+ 25  Paparusahan kita,Tutunawin ko ang iyong dumi* na parang ginamitan ng lihiya,At aalisin ko ang lahat ng iyong karumihan.+ 26  Bibigyan kitang muli ng mga hukom gaya noong unaAt ng mga tagapayo gaya noong pasimula.+ Pagkatapos, tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran, Tapat na Bayan.+ 27  Tutubusin ang Sion sa pamamagitan ng katarungan,+At ang bayan niyang bumabalik, sa pamamagitan ng katuwiran. 28  Ang mga rebelde at ang mga makasalanan ay pupuksaing magkakasama,+At ang mga umiiwan kay Jehova ay hahantong sa kanilang wakas.+ 29  Dahil ikahihiya nila ang matitibay na punong ninasa ninyo,+At mapapahiya kayo dahil sa mga hardin* na pinili ninyo.+ 30  Dahil magiging gaya kayo ng malaking puno na ang mga dahon ay natutuyot,+At gaya ng hardin na walang tubig. 31  Ang malakas na tao ay magiging gaya ng mga hibla,*At ang mga gawa niya, gaya ng siklab;Sabay silang magliliyab,At walang sinumang papatay sa apoy.”

Talababa

Ibig sabihin, “Pagliligtas ni Jehova.”
O “hindi kilala ng Israel ang panginoon nito.”
Lit., “napipiga.”
O “kubol.”
O “tagapamahala.”
O “tagubilin.”
O “batang tupa.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
O “ng ulila.”
O “matingkad na pula.”
Ang salitang Hebreo ay tumutukoy sa duming humihiwalay sa metal kapag tinunaw.
O “serbesang trigo.”
O “mga ulila.”
Ang salitang Hebreo ay tumutukoy sa duming humihiwalay sa metal kapag tinunaw.
Malamang na mga puno at hardin na may kaugnayan sa pagsamba sa idolo.
Hibla na madaling magliyab.

Study Notes

Media