Isaias 11:1-16

11  Isang maliit na sanga+ ang tutubo mula sa tuod ni Jesse,+At isang sibol+ mula sa mga ugat niya ang mamumunga.  2  At sasakaniya ang espiritu ni Jehova,+Ang espiritu ng karunungan+ at ng kaunawaan,Ang espiritu ng payo at ng kalakasan,+Ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova.  3  At makadarama siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova.+ Hindi siya hahatol ayon sa nakita ng mga mata niya,At hindi siya sasaway ayon lang sa narinig ng mga tainga niya.+  4  Hahatulan niya nang patas* ang mga dukha,At sasaway siya nang makatarungan alang-alang sa maaamo sa lupa. Hahampasin niya ang lupa sa pamamagitan ng tungkod na galing sa bibig niya,+At papatayin niya ang masasama sa hininga* ng mga labi niya.+  5  Katuwiran ang magiging sinturon sa baywang niya,At katapatan ang sinturon sa balakang niya.+  6  Ang lobo* ay magpapahingang kasama ng kordero,*+Ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing,At ang guya* at ang leon at ang pinatabang hayop ay magsasama-sama;*+At isang munting bata ang aakay sa kanila.  7  Ang baka at ang oso ay magkasamang manginginain;At ang mga anak ng mga ito ay hihigang magkakasama. Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro.+  8  Ang batang pasusuhin ay maglalaro sa may lungga ng kobra;At ang batang inawat sa pagsuso ay maglalagay ng kamay niya sa lungga ng makamandag na ahas.  9  Hindi sila mananakit+O maninira sa aking buong banal na bundok,+Dahil ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman tungkol kay JehovaGaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+ 10  Sa araw na iyon, ang ugat ni Jesse+ ay magiging palatandaan* para sa mga bayan.+ Sa kaniya babaling ang mga bansa para sa patnubay,*+At ang pahingahan niya ay magiging maluwalhati. 11  Sa araw na iyon, muling iaabot ni Jehova ang kamay niya, sa ikalawang pagkakataon, para kunin ang mga natira sa bayan niya na nasa Asirya,+ Ehipto,+ Patros,+ Cus,+ Elam,+ Sinar,* Hamat, at mga isla sa dagat.+ 12  Maglalagay siya ng isang palatandaan* para sa mga bansa at titipunin niya ang mga nangalat mula sa Israel,+ at titipunin niya mula sa apat na sulok ng mundo ang mga nangalat na taga-Juda.+ 13  Mawawala na ang inggit ng Efraim,+At lilipulin ang mga kaaway ng Juda. Hindi na maiinggit ang Efraim sa Juda,At hindi na mapopoot ang Juda sa Efraim.+ 14  At lulusob sila sa mga dalisdis* ng mga Filisteo sa kanluran;Magkasama nilang sasamsaman ang mga taga-Silangan. Iuunat nila ang kanilang kamay laban sa* Edom+ at Moab,+At magiging sakop nila ang mga Ammonita.+ 15  Hahatiin* ni Jehova ang gulpo* ng dagat ng Ehipto,+At iaamba niya ang kamay niya sa ibabaw ng Ilog.*+ Pipinsalain niya ang pitong batis nito ng* kaniyang nakapapasong hininga,*At patatawirin niya rito ang mga tao suot ang mga sandalyas nila. 16  At magkakaroon ng isang lansangang-bayan+ palabas ng Asirya para sa mga natira sa bayan niya,+Gaya noong araw na lumabas ang Israel mula sa lupain ng Ehipto.

Talababa

O “matuwid.”
O “espiritu.”
O posibleng “At ang guya at ang leon ay magkasamang manginginain.”
O “batang baka.”
O “batang tupa.”
O “mabangis na aso.”
O “Hahanapin siya ng mga bansa.”
O “posteng pananda.”
Babilonia.
O “posteng pananda.”
Lit., “lilipad sila sa balikat.”
O “Sasakupin nila ang.”
O posibleng “Tutuyuin.”
Lit., “dila.”
Eufrates.
O posibleng “Hahatiin niya ito sa pitong batis sa pamamagitan ng.”
O “espiritu.”

Study Notes

Media