Isaias 16:1-14

16  Magpadala kayo ng isang lalaking tupa sa tagapamahala ng lupain,Mula sa Sela papunta sa ilang,Hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.   Gaya ng ibong binugaw mula sa pugad nito,+Gayon ang mangyayari sa mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.+   “Magbigay kayo ng payo, isagawa ninyo ang pasiya. Gawin mong tulad ng gabi ang anino mo sa katanghaliang-tapat. Itago mo ang mga nangalat at huwag mong traidurin ang mga tumatakas.   O Moab, manirahan nawa sa iyo ang mga nangalat mula sa bayan ko. Maging kublihan ka nawa nila mula sa tagapuksa.+ Sasapit sa kawakasan ang nagmamalupit,Matatapos na ang pagpuksa,At ang mga yumuyurak sa iba ay mawawala na sa lupa.   At isang trono ang matibay na matatatag sa tapat na pag-ibig. Ang uupo roon mula sa tolda ni David ay magiging tapat;+Hahatol siya nang patas at agad niyang ipatutupad kung ano ang tama.”+   Narinig namin ang tungkol sa pagmamataas ng Moab—napakayabang niya+Ang kaniyang kahambugan at pagmamataas at poot;+Pero ang walang katuturan niyang sinasabi ay mauuwi sa wala.   Kaya ang Moab ay hahagulgol para sa Moab;Lahat sila ay hahagulgol.+ Iiyakan ng mga natalo ang mga kakaning pasas ng Kir-hareset.+   Dahil ang hagdan-hagdang taniman ng Hesbon+ ay natuyot.Niyurakan ng mga tagapamahala ng mga bansaAng matingkad-na-pulang mga sanga ng punong ubas ng Sibma;*+Nakarating ang mga ito sa Jazer;+Umabot ang mga ito sa ilang. Ang maliliit na sanga nito ay gumapang at nakarating sa dagat.   Kaya iiyakan ko ang punong ubas ng Sibma gaya ng pag-iyak ko para sa Jazer. Babasain ko kayo ng luha ko, O Hesbon at Eleale,+Dahil ang hiyawan para sa iyong prutas na pantag-araw at sa iyong ani ay nagwakas na.* 10  Inalis na ang pagsasaya at kagalakan sa taniman;At wala nang masasayang awit o hiyawan sa mga ubasan.+ Sa mga pisaan ay wala nang pumipisa ng ubas para gawing alak.Dahil pinatigil ko na ang hiyawan.+ 11  Kaya ang puso ko ay naliligalig dahil sa Moab,+Gaya ng panginginig ng mga kuwerdas ng alpa,At nababagabag ang loob ko dahil sa Kir-hareset.+ 12  Kahit pinapagod ng Moab ang sarili niya sa mataas na lugar at pumupunta siya sa kaniyang santuwaryo para manalangin, wala ring mangyayari.+ 13  Ito ang sinabi ni Jehova noon tungkol sa Moab. 14  At sinasabi ngayon ni Jehova: “Sa loob ng tatlong taon, gaya ng mga taon ng isang upahang trabahador,* babagsak ang kaluwalhatian ng Moab dahil sa iba’t ibang uri ng kaguluhan, at ang mga matitira sa kaniya ay kaunting-kaunti at mahihina.”+

Talababa

O “Ang mga sanga ng punong ubas ng Sibma na hitik sa pulang ubas.”
O posibleng “Dahil ang sigaw ng pakikipagdigma ay bumaba na sa iyong mga prutas na pantag-araw at sa iyong ani.”
O “na binilang na mabuti gaya ng ginagawa ng upahang trabahador”; eksaktong tatlong taon.

Study Notes

Media