Isaias 23:1-18

23  Mensahe tungkol sa Tiro:+ Humagulgol kayo, kayong mga barko ng Tarsis!+ Dahil nawasak ang daungan; hindi na iyon mapapasok. Sa lupain ng Kitim+ ay ibinalita iyon sa kanila.   Tumahimik kayo, kayong mga nakatira sa lupain sa tabing-dagat. Ang mga negosyante mula sa Sidon+ na tumawid ng dagat ay nagpayaman sa iyo.   Itinawid sa malawak na karagatan ang mga butil* ng Sihor,*+Ang ani ng Nilo, na pinagkakakitaan niyaAt nagdadala ng yaman ng mga bansa.+   Mahiya ka, O Sidon; ikaw na tanggulan ng dagat,Dahil sinabi ng dagat: “Hindi ko pa naranasan ang hirap ng panganganak, at hindi pa ako nanganak.Hindi pa ako nakapagpalaki ng mga anak na lalaki o babae.”*+   Gaya noong mapabalita ang nangyari sa Ehipto,+Maliligalig ang mga tao kapag narinig nila ang balita tungkol sa Tiro.+   Tumawid kayo papuntang Tarsis! Humagulgol kayo, kayong mga nakatira sa lupain sa tabing-dagat!   Ito ba ang lunsod ninyo na matagal nang nagsasaya, mula pa nang sinaunang mga araw niya? Dinadala siya noon ng mga paa niya sa malalayong lupain para doon manirahan.   Sino ang nagpasiya nito laban sa Tiro,Ang tagapagbigay ng mga korona,Na ang mga negosyante ay matataas na opisyal,Na ang mga mangangalakal ay kinikilala sa buong mundo?+   Si Jehova ng mga hukbo ang nagpasiya nito,Na wakasan ang pagmamalaki niya sa kaniyang kagandahan,Na ipahiya ang lahat ng kinikilala sa buong mundo.+ 10  Tumawid ka sa iyong lupain na gaya ng Ilog Nilo, O anak na babae ng Tarsis. Wala nang gawaan ng barko.*+ 11  Iniunat niya ang kamay niya sa ibabaw ng dagat;Niyanig niya ang mga kaharian. Si Jehova mismo ang nag-utos na wasakin ang mga tanggulan ng Fenicia.+ 12  At sinasabi niya: “Hindi ka na makapagsasaya,+O ikaw na pinahihirapan, anak na dalaga ng Sidon. Bumangon ka, tumawid ka papunta sa Kitim.+ Kahit doon ay hindi ka magiging panatag.” 13  Tingnan ninyo ang lupain ng mga Caldeo!+ Ito ang bayan—hindi ang Asirya+Ginawa nila siyang* isang lugar para sa mga hayop na pagala-gala sa disyerto. Itinayo nila ang kanilang mga toreng pandigma;Giniba nila ang kaniyang matitibay na tore+At dinurog siya. 14  Humagulgol kayo, kayong mga barko ng Tarsis,Dahil nawasak ang tanggulan ninyo.+ 15  Sa araw na iyon, malilimutan ang Tiro nang 70 taon,+ kasinghaba ng buhay* ng isang hari. Pagkatapos ng 70 taon, mangyayari sa Tiro ang gaya ng nasa awit ng isang babaeng bayaran: 16  “Kumuha ka ng alpa, lumibot ka sa lunsod, O babaeng bayaran na nalimutan. Galingan mo ang pagtugtog ng alpa;Kumanta ka ng maraming awitPara maalaala ka nila.” 17  Pagkatapos ng 70 taon, bibigyang-pansin ni Jehova ang Tiro, at babalik siya sa dati niyang pamumuhay* at ibebenta ang sarili sa lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa. 18  Pero ang kinita niya at ang ibinayad sa kaniya ay magiging banal kay Jehova. Hindi ito iimbakin o itatago, dahil ang ibinayad sa kaniya ay ibibigay sa mga naninirahan sa harap ni Jehova, para makakain sila hanggang sa mabusog at makapagsuot ng magagarang damit.+

Talababa

Lit., “ang binhi.”
Sanga ng Ilog Nilo.
Lit., “birhen.”
O posibleng “nang daungan.”
Posibleng tumutukoy sa Tiro.
Lit., “mga araw.”
Lit., “sa kaniyang upa.”

Study Notes

Media