Isaias 24:1-23

24  Inaalisan ni Jehova ng laman ang lupain* at ginagawa itong tiwangwang.+ Ibinabaligtad niya ito+ at pinangangalat ang mga nakatira dito.+  2  Iisa ang sasapitin ng lahat: Ng bayan at ng saserdote,Ng lingkod at ng kaniyang panginoon,Ng lingkod at ng kaniyang among babae,Ng bumibili at ng nagtitinda,Ng nagpapahiram at ng nanghihiram,Ng nagpapautang at ng umuutang.+  3  Aalisan ng laman ang lupain;Darambungin ito at walang matitira dito,+Dahil si Jehova ang nagsabi nito.  4  Ang lupain ay nagdadalamhati;*+ nawawalan ito ng pakinabang. Ang mabungang lupain ay natutuyot; naglalaho ito. Ang mga prominenteng tao sa lupain ay humihina.  5  Ang lupain ay dinumhan ng mga nakatira dito,+Sinuway nila ang kautusan,+Binago ang tuntunin,+At sinira ang permanenteng* tipan.+  6  Kaya nilalamon ng sumpa ang lupain,+At ang mga nakatira dito ay hinatulang nagkasala. Kaya kumaunti ang mga nakatira sa lupainAt iilan na lang ang natira.+  7  Ang bagong alak ay nagdadalamhati,* ang punong ubas ay nalalanta,+At ang lahat ng may masayang puso ay nagbubuntonghininga.+  8  Ang masiglang tunog ng tamburin ay naglaho;Ang ingay ng mga nagsasaya ay nagwakas;Ang masayang tunog ng alpa ay tumigil.+  9  Umiinom sila ng alak nang walang awitan;Mapait ang lasa ng inuming de-alkohol para sa mga umiinom nito. 10  Ang pinabayaang bayan ay wasak;+Ang bawat bahay ay isinara para walang makapasok. 11  Dumaraing sila sa mga lansangan dahil walang alak. Naglaho ang lahat ng pagsasaya;Nawala ang saya sa lupain.+ 12  Ang lunsod ay nawasak;Ang pintuang-daan ay nadurog at naging bunton ng guho.+ 13  Dahil ang bayan ko sa lupain, sa gitna ng mga bayan, Ay magiging gaya ng natitira sa punong olibo matapos hampasin,+Gaya ng natirang mga ubas pagkatapos ng pag-aani.+ 14  Ilalakas nila ang kanilang tinig,Hihiyaw sila sa kagalakan. Mula sa dagat* ay ihahayag nila ang kadakilaan ni Jehova.+ 15  Kaya luluwalhatiin nila si Jehova sa rehiyon ng liwanag;*+Sa mga isla sa dagat ay luluwalhatiin nila ang pangalan ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 16  May naririnig tayong mga awit mula sa mga dulo ng lupa: “Luwalhatiin ang Matuwid na Diyos!”+ Pero sinasabi ko: “Nanghihina ako, nanghihina ako! Kaawa-awa ako! Ang mga taksil ay gumagawa ng kataksilan;Ang tusong mga taksil ay gumagawa ng kataksilan.”+ 17  Matinding takot at mga hukay at mga bitag ang naghihintay sa iyo, ikaw na nakatira sa lupain.+ 18  Ang sinumang tumatakas mula sa nakapangingilabot na ingay ay mahuhulog sa hukay,At ang sinumang umaahon mula sa hukay ay mahuhuli sa bitag.+ Dahil ang mga pintuan ng tubig sa langit ay bubuksan,At ang mga pundasyon ng lupain ay mayayanig. 19  Nabiyak ang lupain;Nayugyog ang lupain;Yumayanig nang malakas ang lupain.+ 20  Ang lupain ay sumusuray-suray na gaya ng lasingAt gumigiwang-giwang na gaya ng kubong hinahampas ng hangin. Napakabigat ng dala nitong kasalanan,+At babagsak ito at hindi na muling babangon. 21  Sa araw na iyon ay ibabaling ni Jehova ang pansin niya sa hukbo sa kaitaasanAt sa mga hari sa lupa. 22  At titipunin silaGaya ng mga bilanggong tinipon sa hukay,At ikukulong sila sa bartolina;Pagkalipas ng maraming araw ay pagtutuunan sila ng pansin. 23  Mapapahiya ang buwan na nasa kabilugan,Pati ang maliwanag na araw,+Dahil si Jehova ng mga hukbo ay naging Hari+ sa Bundok Sion+ at sa Jerusalem,Maluwalhati sa harap ng matatandang lalaki ng kaniyang bayan.*+

Talababa

O “lupa.”
O posibleng “natutuyo.”
O “sinaunang.”
O posibleng “natutuyo.”
O “kanluran.”
O “sa silangan.”
Lit., “sa harap ng kaniyang matatanda.”

Study Notes

Media