Isaias 27:1-13
27 Sa araw na iyon, si Jehova, na may matalas at nakakatakot na espada,+Ay magtutuon ng pansin sa Leviatan,* ang ahas na mabilis gumapang,Sa Leviatan, ang paliko-likong ahas,At papatayin niya ang malaking hayop na nasa dagat.
2 Sa araw na iyon ay umawit kayo sa kaniya:*
“Isang ubasan ng alak na bumubula!+
3 Ako, si Jehova, ang nag-iingat sa kaniya.+
Dinidiligan ko siya sa bawat sandali.+
Iniingatan ko siya gabi at araw,Para walang puminsala sa kaniya.+
4 Hindi na ako nagagalit.+
Kung may maglalagay sa harap ko ng matitinik na halaman at panirang-damo,
Tatapakan ko ang mga iyon at sama-samang susunugin, at makikipagdigma ako sa kaniya.
5 Kung ayaw niyang mangyari iyon, manganlong siya sa tanggulan ko.
Makipagpayapaan siya sa akin;Sa akin ay makipagpayapaan siya.”
6 Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob,Ang Israel ay mamumulaklak at magsisibol,+At pupunuin nila ng bunga ang lupain.+
7 Dapat ba siyang hampasin nang napakalakas?
O dapat ba siyang patayin na gaya ng mga napatay sa kaniya?
8 Pasigaw kang makikipagtalo sa kaniya, at palalayasin mo siya.
Sa araw na humihip ang hanging silangan, patatalsikin niya siya sa pamamagitan ng malakas na bugso.+
9 Kaya sa ganitong paraan ay mababayaran ang pagkakamali ng Jacob,+At kapag inalis ang kasalanan niya, mangyayari ang lahat ng ito:
Ang lahat ng bato ng altarAy gagawin niyang parang yeso* na pinulbos,At walang matitirang sagradong poste* o patungan ng insenso.+
10 Dahil ang napapaderang* lunsod ay iiwan;Ang mga pastulan ay pababayaan at aabandonahin na gaya ng ilang.+
Manginginain at hihiga roon ang guya*At uubusin nito ang mga sanga niya.+
11 Kapag tuyot na ang maliliit na sanga niya,Darating ang mga babae at babaliin ang mga iyonAt gagamiting panggatong.
Dahil ang bayang ito ay walang kaunawaan.+
Kaya hindi maaawa sa kanila ang kanilang Maylikha,At hindi sila kahahabagan ng gumawa sa kanila.+
12 Sa araw na iyon ay kukunin ni Jehova ang mga bunga mula sa umaagos na Ilog* hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ at isa-isa niya kayong titipunin, O bayang Israel.+
13 Sa araw na iyon, hihipan ang isang malaking tambuli,+ at ang mga halos mamatay na sa lupain ng Asirya+ at ang mga nakapangalat sa lupain ng Ehipto+ ay darating at yuyukod kay Jehova sa banal na bundok sa Jerusalem.+
Talababa
^ Malamang na tumutukoy sa Israel, na ikinukumpara sa isang ubasan.
^ Sa Ingles, chalk.
^ O “nakukutaang.”
^ O “batang baka.”
^ Eufrates.