Isaias 4:1-6

4  At susunggaban ng pitong babae ang isang lalaki sa araw na iyon+ at sasabihin: “Kakainin namin ang sarili naming tinapayAt isusuot ang sarili naming damit;Hayaan mo lang na tawagin kami sa pangalan moPara maalis ang kahihiyan* namin.”+  Sa araw na iyon, ang pasisibulin ni Jehova ay magiging marilag at maluwalhati, at ang bunga ng lupain ay ipagmamalaki ng mga natira sa Israel at magiging kagandahan nila.+  Ang mga naiwan sa Sion at ang mga natira sa Jerusalem ay tatawaging banal, lahat ng nasa Jerusalem na nakasulat para mabuhay.+  Kapag hinugasan na ni Jehova ang karumihan* ng mga anak na babae ng Sion+ at ang dugong dumanak sa loob ng Jerusalem sa pamamagitan ng paghatol at ng kaniyang nag-aapoy na galit,+  lilikha rin si Jehova sa ibabaw ng buong Bundok Sion at sa ibabaw ng lugar ng mga pagtitipon doon ng isang ulap at ng usok kapag araw at ng naglalagablab na apoy kapag gabi;+ sa ibabaw ng buong maluwalhating lupain ay magkakaroon ng isang silungan.  At magkakaroon ng isang kubol na magsisilbing silungan laban sa init+ kapag araw at kanlungan at proteksiyon mula sa bagyo at ulan.+

Talababa

Kahihiyan ng pagiging walang asawa at anak.
Lit., “dumi.”

Study Notes

Media