Isaias 40:1-31

40  “Aliwin ninyo, aliwin ninyo ang bayan ko,” ang sabi ng inyong Diyos.+  2  “Makipag-usap kayo sa puso ng* Jerusalem,At ibalita ninyo na tapos na ang sapilitang paglilingkod niya,Bayad na ang mga pagkakamali niya.+ Natanggap na niya mula sa kamay ni Jehova ang kabuoang* bayad para sa lahat ng kasalanan niya.”+  3  May sumisigaw sa ilang: “Hawanin* ninyo ang dadaanan ni Jehova!+ Gumawa kayo para sa ating Diyos ng patag na lansangang-bayan+ sa disyerto.+  4  Ang bawat lambak ay pataasin,At ang bawat bundok at burol ay pababain. Ang lubak-lubak na lupa ay dapat maging patag,At ang bako-bakong lupa ay dapat maging kapatagan.+  5  Ang kaluwalhatian ni Jehova ay isisiwalat,+At iyon ay sama-samang makikita ng lahat ng tao,*+Dahil si Jehova ang nagsabi nito.”  6  Pakinggan mo! May nagsasabi: “Sumigaw ka!” Itinanong ng isa: “Ano ang isisigaw ko?” “Ang lahat ng tao* ay berdeng damo. Ang tapat na pag-ibig nila ay gaya ng bulaklak sa parang.+  7  Ang berdeng damo ay natutuyot,Ang bulaklak ay nalalanta,+Dahil hinihipan iyon ng hininga* ni Jehova.+ Talagang ang mga tao ay berdeng damo lang.  8  Ang berdeng damo ay natutuyot,Ang bulaklak ay nalalanta,Pero ang salita ng ating Diyos ay mananatili magpakailanman.”+  9  Umakyat ka sa mataas na bundok,Ikaw na babaeng nagdadala ng magandang balita para sa Sion.+ Lakasan mo ang iyong tinig,Ikaw na babaeng nagdadala ng magandang balita para sa Jerusalem. Ilakas mo, huwag kang matakot. Ibalita mo sa mga lunsod ng Juda: “Narito ang inyong Diyos.”+ 10  Ang Kataas-taasang Panginoong Jehova ay darating na may kapangyarihan,At ang bisig niya ay mamamahala para sa kaniya.+ Ang gantimpala niya ay nasa kaniya,At ang kabayarang ibibigay niya ay nasa harap niya.+ 11  Gaya ng isang pastol, aalagaan* niya ang kawan niya.+ Titipunin ng kaniyang bisig ang mga kordero,*At bubuhatin niya sila sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan niyang aakayin ang mga may pasusuhin.+ 12  Sino ang tumakal ng tubig sa palad niya+At sumukat sa langit sa pamamagitan ng dangkal ng kamay* niya? Sino ang nagtipon ng alabok ng lupa sa isang pantakal+O nagtimbang ng mga bundokAt mga burol sa timbangan? 13  Sino ang nakasukat* sa espiritu ni Jehova,At sinong tagapayo ang makapagtuturo sa kaniya?+ 14  Kanino siya nagtanong para makaunawa,O sino ang nagtuturo sa kaniya ng katarungan,O nagtuturo sa kaniya ng kaalaman,O nagpapaliwanag sa kaniya tungkol sa tunay na unawa?+ 15  Ang mga bansa ay gaya ng isang patak mula sa timba,At itinuturing silang gaya ng manipis na alikabok sa timbangan.+ Inaangat niya ang mga isla na gaya ng pinong alikabok. 16  Maging ang Lebanon ay hindi sapat para mapanatiling nagniningas ang apoy,*At ang mga hayop nito ay hindi sapat bilang handog na sinusunog. 17  Ang lahat ng bansa ay parang hindi umiiral sa harap niya;+Itinuturing niya silang walang kabuluhan at di-totoo.+ 18  Kanino ninyo maikukumpara ang Diyos?+ Sa anong larawan ninyo siya maihahambing?+ 19  Ang bihasang manggagawa ay naghuhulma ng imahen,*Binabalutan iyon ng ginto ng platero,+At gumagawa siya ng mga kadenang pilak. 20  Pumipili siya ng puno na iaabuloy niya,+Isang puno na hindi mabubulok. Naghahanap siya ng bihasang manggagawaPara gumawa ng inukit na imahen na hindi matutumba.+ 21  Hindi ba ninyo alam? Hindi ba ninyo narinig? Hindi ba iyon sinabi sa inyo mula pa noong pasimula? Hindi ba ninyo naunawaan ang katibayang naroon na noong gawin ang mga pundasyon ng lupa?+ 22  May Isa na nakatira sa ibabaw ng bilog na lupa,*+At ang mga nakatira doon ay gaya ng mga tipaklong. Inilalatag niya ang langit na gaya ng manipis na tela,At inilaladlad niya ito na parang isang toldang matitirhan.+ 23  Ibinababa niya ang matataas na opisyalAt inaalis ang mga hukom* sa lupa. 24  Katatanim pa lang sa kanila,Kahahasik pa lang sa kanila,Hindi pa nag-uugat sa lupa ang sanga nila,At hinihipan sila at natutuyo,At tinatangay sila ng hangin na gaya ng ipa.+ 25  “Kanino ninyo ako maitutulad? Sino ang kapantay ko?” ang sabi ng Banal na Diyos. 26  “Tumingala kayo sa langit at tingnan ninyo. Sino ang lumalang* sa mga ito?+ Siya ang nagbibigay ng utos sa hukbo nila at binibilang niya sila;Tinatawag niya silang lahat sa pangalan.+ Dahil napakalakas niya at kamangha-mangha ang kapangyarihan niya,+Walang isa man sa kanila ang nawawala. 27  Bakit sinasabi mo, O Jacob, at bakit inihahayag mo, O Israel,‘Hindi nakikita ni Jehova ang nangyayari sa akin,At hindi ako binibigyan ng Diyos ng katarungan’?+ 28  Hindi mo ba alam? Hindi mo ba narinig? Si Jehova, ang Maylalang ng lahat ng nasa lupa, ay Diyos magpakailanman.+ Hindi siya napapagod o nanlulupaypay.+ Hindi maaabot ng isipan ang kaniyang unawa.+ 29  Nagbibigay siya ng lakas sa pagod,Pinalalakas niya ang mga nanghihina.+ 30  Ang mga batang lalaki ay mapapagod at manlulupaypay,At ang mga kabataan ay matitisod at mabubuwal, 31  Pero ang mga umaasa kay Jehova ay muling lalakas. Lilipad sila nang mataas na para bang may mga pakpak gaya ng agila.+ Tatakbo sila at hindi manlulupaypay;Lalakad sila at hindi mapapagod.”+

Talababa

O “Makipag-usap kayo nang magiliw sa.”
O “dobleng.”
O “Ihanda.”
Lit., “laman.”
Lit., “laman.”
O “espiritu.”
O “papastulan.”
O “batang tupa.”
Tingnan ang Ap. B14.
O posibleng “nakaunawa.”
O “hindi makapagbigay ng sapat na panggatong.”
Estatuwang yari sa tinunaw na metal.
O “ng globo.”
O “tagapamahala.”
O “lumikha.”

Study Notes

Media