Isaias 43:1-28

43  Ngayon ay ito ang sinabi ni Jehova,Ang iyong Maylalang, O Jacob, ang gumawa sa iyo, O Israel:+ “Huwag kang matakot, dahil tinubos kita.+ Tinawag kita sa pangalan mo. Ikaw ay akin.  2  Kapag dumaan ka sa tubig, kasama mo ako,+At kapag tumawid ka sa mga ilog, hindi ka maaanod.+ Kapag lumakad ka sa apoy, hindi ka mapapaso,Hindi ka masusunog kahit bahagya.  3  Dahil ako si Jehova na iyong Diyos,Ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas mo. Ibinigay ko ang Ehipto bilang pantubos para sa iyo,Ang Etiopia at ang Seba bilang kapalit mo.  4  Dahil naging mahalaga ka sa paningin ko,+Pinarangalan ka, at inibig kita.+ Kaya magbibigay ako ng mga tao kapalit moAt ng mga bansa kapalit ng buhay* mo.  5  Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.+ Dadalhin ko ang mga supling* mo mula sa silangan,At titipunin kita mula sa kanluran.+  6  Sasabihin ko sa hilaga, ‘Ibigay mo sila!’+ At sa timog, ‘Huwag mo silang pigilan. Ibalik mo ang mga anak kong lalaki mula sa malayo, at ang mga anak kong babae mula sa mga dulo ng lupa,+  7  Ang lahat ng tinatawag sa pangalan ko+At nilalang ko para sa aking kaluwalhatian,Na hinubog ko at ginawa.’+  8  Ilabas mo ang bayang bulag, kahit may mga mata,At bingi, kahit may mga tainga.+  9  Magtipon sa isang lugar ang lahat ng bansa,At magtipon ang lahat ng bayan.+ Sino sa kanila ang makapagsasabi nito? Masasabi ba nila sa atin ang mga unang bagay?*+ Magharap sila ng mga saksi para mapatunayan nilang tama sila,O hayaang marinig sila ng mga tao at sabihin, ‘Totoo nga!’”+ 10  “Kayo ang mga saksi ko,”+ ang sabi ni Jehova,“Oo, ang lingkod ko na aking pinili,+Para makilala ninyo ako at manampalataya* kayo sa akin,At maunawaan ninyo na hindi ako nagbabago.+ Bago ako ay walang Diyos na ginawa,At wala ring iba na kasunod ko.+ 11  Ako—ako si Jehova,+ at bukod sa akin ay walang ibang tagapagligtas.”+ 12  “Ako ang nagpahayag at nagligtas at nagsiwalatNoong walang ibang diyos sa gitna ninyo.+ Kaya kayo ang mga saksi ko,” ang sabi ni Jehova, “at ako ang Diyos.+ 13  At hindi ako nagbabago;+Walang sinumang makakaagaw ng nasa kamay ko.+ Kapag kumilos ako, sino ang makahahadlang?”+ 14  Ito ang sinabi ni Jehova, ang inyong Manunubos,+ ang Banal ng Israel:+ “Alang-alang sa inyo ay may isusugo ako sa Babilonya at pababagsakin ko ang lahat ng halang ng mga pintuang-daan,+At ang mga Caldeo, na nasa kanilang mga barko, ay hihiyaw sa paghihinagpis.+ 15  Ako si Jehova, ang inyong Banal na Diyos,+ ang Maylalang ng Israel,+ ang inyong Hari.”+ 16  Ito ang sinabi ni Jehova,Ang gumagawa ng daan sa dagatAt ng landas kahit sa maligalig na tubig,+ 17  Ang naglalabas ng karwaheng pandigma at ng kabayo,+Ng hukbo kasama ng malalakas na mandirigma: “Hihiga sila at hindi na babangon.+ Papatayin sila na gaya ng pagpatay sa nagniningas na mitsa.” 18  “Huwag na ninyong alalahanin ang dating mga bagay,At huwag na kayong mabuhay sa nakaraan. 19  Makinig kayo! Gumagawa ako ng isang bagong bagay;+Kahit ngayon ay nagsisimula na ito. Hindi mo ba ito nakikita? Gagawa ako ng daan sa ilang+At ng mga ilog sa disyerto.+ 20  Pararangalan ako ng mga hayop sa parang,Ng mga chakal at mga avestruz,*Dahil nagbibigay ako ng tubig sa ilang,Ng mga ilog sa disyerto,+Para inumin ng aking bayan na pinili ko,+ 21  Ang bayan na nilikha ko para sa aking sariliPara maghayag ng papuri sa akin.+ 22  Pero hindi ka tumawag sa akin, O Jacob,+Dahil nagsawa ka na sa akin, O Israel.+ 23  Hindi ka nagdala sa akin ng mga tupa bilang buong handog na sinusunog,At hindi mo ako niluwalhati sa pamamagitan ng iyong mga handog. Hindi kita pinilit na magdala sa akin ng kaloob,At hindi kita pinagod sa pagsusunog ng olibano.+ 24  Hindi mo ginamit ang pera mo para ibili ako ng mabangong tambo,At hindi mo ako pinasaya sa taba ng iyong mga handog.+ Sa halip, pinabigatan mo ako ng mga kasalanan moAt napagod ako dahil sa mga pagkakamali mo.+ 25  Ako, ako ang pumapawi ng mga pagkakamali*+ mo alang-alang sa pangalan ko,+At hindi ko aalalahanin ang mga kasalanan mo.+ 26  Iharap natin ang kaso natin laban sa isa’t isa; ipaalaala mo sa akin,Ilahad mo ang panig mo at patunayan mong tama ka. 27  Nagkasala ang una mong ninuno,At ang sarili mong mga tagapagsalita* ay nagrebelde sa akin.+ 28  Kaya lalapastanganin ko ang mga pinuno ng banal na lugar,At pupuksain ko ang JacobAt hahayaang mainsulto ang Israel.+

Talababa

Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
Lit., “ang binhi.”
Posibleng tumutukoy sa mga bagay na unang mangyayari sa hinaharap.
O “magtiwala.”
Sa Ingles, ostrich.
O “pagrerebelde.”
Posibleng tumutukoy sa mga guro ng Kautusan.

Study Notes

Media