Isaias 44:1-28
44 “Ngayon ay makinig ka, O Jacob na lingkod ko,At ikaw, O Israel, na aking pinili.+
2 Ito ang sinabi ni Jehova,Ang iyong Maylikha at ang humubog sa iyo,+Ang tumulong sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka:*
‘Huwag kang matakot, lingkod kong Jacob,+At ikaw, Jesurun,*+ na aking pinili.
3 Dahil magbubuhos ako ng tubig para sa nauuhaw,*+At magpapaagos ako ng mga batis sa tuyong lupa.
Ibubuhos ko ang espiritu ko sa mga supling* mo+At ang pagpapala ko sa mga inapo mo.
4 At sisibol silang gaya ng berdeng damo,+Gaya ng mga punong alamo sa tabi ng mga ilog.
5 Sasabihin ng isa: “Kay Jehova ako.”+
Tatawagin naman ng isa ang sarili niya sa pangalan ni Jacob,At isusulat ng isa sa kamay niya: “Kay Jehova.”
At papangalanan niya ang sarili niya na Israel.’
6 Ito ang sinabi ni Jehova,Ang Hari ng Israel+ at ang Manunubos niya,+ si Jehova ng mga hukbo:
‘Ako ang una at ako ang huli.+
Walang ibang Diyos bukod sa akin.+
7 Sino ang tulad ko?+
Sumagot siya at sabihin niya iyon at patunayan sa akin!+
Gaya ng ginagawa ko mula nang itatag ko ang bayan noong sinauna,Sabihin nila ang mga bagay na daratingAt ang mga bagay na mangyayari.
8 Huwag kayong matakot,At huwag kayong matigilan sa takot.+
Hindi ba sinabi ko na sa bawat isa sa inyo noon pa at inihayag ko na?
Kayo ang mga saksi ko.+
May iba pa bang Diyos bukod sa akin?
Wala, walang ibang Bato;+ wala akong kilala.’”
9 Ang lahat ng umuukit ng mga imahen ay walang silbi,At ang minamahal nilang mga bagay ay walang pakinabang.+
Bilang mga saksi, wala silang* nakikita at wala silang alam,+Kaya ang mga gumawa sa kanila ay mapapahiya.+
10 Sino ang gagawa ng isang diyos o huhulma ng isang metal na imahenNa hindi mapapakinabangan?+
11 Lahat ng kasamahan niya ay mapapahiya!+
Ang mga bihasang manggagawa ay mga tao lang.
Lahat sila ay magtipon at tumayo.
Matatakot sila at sama-samang mapapahiya.
12 Pinaiinit ng platero ang bakal sa ibabaw ng mga baga gamit ang kasangkapan niya.
Para magkahugis, minamartilyo niya iyonSa pamamagitan ng kaniyang malakas na bisig.+
Pagkatapos, nagugutom siya at nanghihina;Hindi siya umiinom ng tubig at napapagod siya.
13 Iniuunat ng mang-uukit ang pising panukat at minamarkahan niya ang kahoy gamit ang pulang yeso.*
Inuukit niya iyon gamit ang pait at minamarkahan gamit ang kompas.
Ginagawa niya itong kaanyo ng tao,+Kasingganda ng tao,Para ilagay sa isang bahay.*+
14 Ang gawain naman ng isa ay pumutol ng mga sedro.
Pumipili siya ng isang uri ng puno, ang ensina,At inaalagaan niya iyon kasama ng mga puno sa kagubatan.+
Nagtatanim siya ng puno ng laurel, at pinalalago iyon ng ulan.
15 At ginagamit iyon ng tao para magpaningas ng apoy.
Kukunin niya ang isang bahagi nito para makapagpainit;Nagpapaapoy siya at nagluluto ng tinapay.
Pero gumagawa rin siya ng isang diyos at sinasamba iyon.
Ginagawa niya itong isang inukit na imahen, at niyuyukuran niya iyon.+
16 Ang kalahati nito ay sinusunog niya sa apoy;Ginagamit niya iyon para mag-ihaw ng karneng kakainin niya, at nabubusog siya.
Nagpapainit din siya at sinasabi niya:
“Ang sarap ng init ng apoy!”
17 Pero ang natira doon ay ginagawa niyang isang diyos, isang inukit na imahen.
Niyuyukuran niya iyon at sinasamba.
Nananalangin siya roon:
“Iligtas mo ako, dahil ikaw ang diyos ko.”+
18 Wala silang alam, wala silang naiintindihan,+Dahil nakasara ang mga mata nila at wala silang nakikita,At hindi nakauunawa ang puso nila.
19 Walang napapaisip,Walang may kaalaman o unawa para sabihin:
“Ang kalahati nito ay sinunog ko sa apoy,At sa ibabaw ng mga baga nito ay nagluto ako ng tinapay at nag-ihaw ng karne para kainin.
Ang natira dito ay dapat ko bang gawing kasuklam-suklam na bagay?+
Dapat ko bang sambahin ang isang piraso* ng kahoy mula sa puno?”
20 Para siyang kumakain ng abo.
Nadaya ang puso niya, at inililigaw siya nito.
Hindi niya mailigtas ang sarili niya, at hindi niya sinasabi:
“Hindi ba walang silbi ang nasa kanang kamay ko?”
21 “Tandaan mo ang mga bagay na ito, O Jacob, at ikaw, O Israel,Dahil lingkod kita.
Hinubog kita, at lingkod kita.+
O Israel, hindi kita kalilimutan.+
22 Tatakpan ko ang mga pagkakamali mo na parang nasa likod ng ulap+At ang mga kasalanan mo na parang nasa likod ng makapal na ulap.
Manumbalik ka sa akin, dahil tutubusin kita.+
23 Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga langit,Dahil kumilos na si Jehova!
Sumigaw ka sa tagumpay, kailaliman ng lupa!
Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga bundok,+Ikaw na kagubatan, at ang lahat ng iyong puno!
Dahil tinubos ni Jehova ang Jacob,At ipinakita niya sa Israel ang kaluwalhatian niya.”+
24 Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos,+Ang humubog sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka:
“Ako si Jehova, ang gumawa ng lahat ng bagay.
Mag-isa kong iniunat ang langit,+At inilatag ko ang lupa.+
Sino ang kasama ko noon?
25 Binibigo ko ang mga tanda ng mga nagsasalita ng walang katuturan,*At ginagawa kong parang baliw ang mga manghuhula;+Nililito ko ang matatalino,At ginagawa kong kamangmangan ang kaalaman nila;+
26 Pinangyayari kong magkatotoo ang salita ng lingkod ko,At lubusan kong tinutupad ang mga hula ng mga mensahero ko;+Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Titirhan siya,’+
At tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Muli silang itatayo,+At aayusin ko ang mga guho niya’;+
27 Sinasabi ko sa malalim na katubigan, ‘Sumingaw ka,At tutuyuin ko ang lahat ng iyong ilog’;+
28 Sinasabi ko tungkol kay Ciro,+ ‘Pastol ko siya,At lubusan niyang tutuparin ang lahat ng kalooban ko’;+Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Muli siyang itatayo,’
At tungkol sa templo, ‘Ang pundasyon mo ay gagawin.’”+
Talababa
^ O “mula noong isilang ka.”
^ Ibig sabihin, “Isa na Matuwid,” isang marangal na titulo para sa Israel.
^ O “nauuhaw na lupain.”
^ Lit., “sa binhi.”
^ Ang mga imahen.
^ O “dambana.”
^ Sa Ingles, chalk.
^ O “tuyong piraso.”
^ O “ng huwad na mga propeta.”