Isaias 52:1-15

52  Gumising ka! Gumising ka! Magsuot ka ng kalakasan,+ O Sion!+ Isuot mo ang maganda mong damit,+ O Jerusalem, ang banal na lunsod! Dahil hindi na muling papasok sa iyo ang di-tuli at marumi.+  2  Pagpagin mo ang alabok, bumangon ka at umupo, O Jerusalem. Kalagin mo ang mga panali sa leeg mo, O bihag na anak na babae ng Sion.+  3  Dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Ipinagbili kayo nang walang bayad,+At tutubusin kayo nang walang bayad.”+  4  Dahil ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Noong una, pumunta sa Ehipto ang bayan ko para manirahan doon bilang mga dayuhan;+Pagkatapos, pinagmalupitan sila ng Asirya nang walang dahilan.”  5  “Kaya ano ngayon ang gagawin ko rito?” ang sabi ni Jehova. “Dahil ang bayan ko ay kinuha nang walang bayad. Ang mga namamahala sa kanila ay patuloy na humihiyaw sa tagumpay,”+ ang sabi ni Jehova,“At sa buong araw ay walang tigil nilang nilalapastangan ang pangalan ko.+  6  Dahil diyan, malalaman ng bayan ko ang pangalan ko;+Dahil diyan, malalaman nila sa araw na iyon na ako ang nagsasalita. Ako nga!”  7  Napakagandang pagmasdan sa mga bundok ang mga paa ng nagdadala ng mabuting balita,+Ng naghahayag ng kapayapaan,+Ng nagdadala ng mabuting balita tungkol sa bagay na mas mabuti,Ng naghahayag ng kaligtasan,Ng nagsasabi sa Sion: “Ang iyong Diyos ay naging Hari!”+  8  Pakinggan mo! Sumisigaw ang mga bantay mo. Sabay-sabay silang humihiyaw sa kagalakan,Dahil kitang-kita nila na tinitipong muli ni Jehova ang Sion.  9  Magsaya kayo at sabay-sabay na humiyaw sa kagalakan, kayong mga guho ng Jerusalem,+Dahil inaliw ni Jehova ang bayan niya;+ tinubos niya ang Jerusalem.+ 10  Ipinakita ni Jehova ang kaniyang banal na bisig sa lahat ng bansa;+Makikita ng buong lupa ang pagliligtas* ng ating Diyos.+ 11  Lumayo kayo, lumayo kayo, lumabas kayo riyan,+ huwag kayong humipo ng anumang marumi!+ Lumabas kayo mula sa kaniya,+ manatili kayong malinis,Kayong mga nagdadala ng kagamitan ni Jehova.+ 12  Dahil hindi kayo aalis nang natataranta,At hindi ninyo kailangang tumakas.Dahil si Jehova ay mauuna sa inyo,+At ang Diyos ng Israel ang magbabantay sa likuran ninyo.+ 13  Ang lingkod ko+ ay kikilos nang may kaunawaan. Itataas siya,Dadakilain siya at luluwalhatiin.+ 14  Kung paanong marami ang nagulat at tumitig sa kaniya—Dahil nasira ang hitsura niya nang higit kaysa kaninumang taoAt ang matikas niyang anyo nang higit kaysa kaninuman— 15  Magugulantang din sa kaniya ang maraming bansa.+ Ititikom ng mga hari ang bibig nila* sa harap niya,+Dahil makikita nila ang hindi pa nasabi sa kanilaAt pag-iisipan ang hindi pa nila narinig.+

Talababa

O “tagumpay.”
O “Hindi makapagsasalita ang mga hari.”

Study Notes

Media