Isaias 54:1-17

54  “Humiyaw ka sa kagalakan, ikaw na babaeng baog na hindi pa nanganak!+ Magsaya ka at humiyaw sa kagalakan,+ ikaw na hindi pa nakaranas ng kirot ng panganganak,+Dahil ang mga anak ng pinabayaan ay mas maramiKaysa sa mga anak ng babaeng may asawa,”*+ ang sabi ni Jehova.  2  “Paluwangin mo ang iyong tolda.+ Palakihin mo ang mga telang pantolda ng iyong maringal na tabernakulo. Huwag kang magtakda ng hangganan, habaan mo ang iyong mga panaling pantolda,At patibayin mo ang iyong mga tulos na pantolda.+  3  Dahil lalawak ang mga hangganan mo pakanan at pakaliwa. Kukunin ng mga supling mo ang mga bansa,At titirhan nila ang tiwangwang na mga lunsod.+  4  Huwag kang matakot,+ dahil hindi ka mapapahiya;+At wala kang dapat ikahiya, dahil hindi ka mabibigo. Dahil malilimutan mo ang kahihiyan mo noong kabataan ka,At ang kadustaan ng pagiging biyuda ay hindi mo na maaalaala pa.”  5  “Dahil ang iyong Dakilang Maylikha+ ay parang asawa mo,+Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya,At ang Banal ng Israel ang iyong Manunubos.+ Tatawagin siyang Diyos ng buong lupa.+  6  Dahil tinawag ka ni Jehova gaya ng asawang babae na pinabayaan at namimighati,*+Gaya ng babaeng pinakasalan noong panahon ng kabataan at pagkatapos ay itinakwil,” ang sabi ng iyong Diyos.  7  “Sa maikling panahon ay pinabayaan kita,Pero dahil sa matinding awa ay kukunin kitang muli.+  8  Sa bugso ng galit ay sandali kong itinago mula sa iyo ang aking mukha,+Pero dahil walang hanggan ang aking tapat na pag-ibig ay maaawa ako sa iyo,”+ ang sabi ng iyong Manunubos,+ si Jehova.  9  “Para sa akin, gaya ito ng mga araw ni Noe.+ Kung paanong isinumpa ko na ang tubig ni Noe ay hindi na muling tatakip sa lupa,+Isinusumpa kong hindi na ako magagalit sa iyo at hindi na kita sasawayin.+ 10  Dahil ang mga bundok ay maaaring maalisAt ang mga burol ay maaaring mayanig,Pero ang aking tapat na pag-ibig ay hindi aalisin sa iyo,+At ang aking tipan ng kapayapaan ay hindi mayayanig,”+ ang sabi ni Jehova, na naaawa sa iyo.+ 11  “O babaeng nagdurusa,+ binabayo ng bagyo, at walang umaaliw,+Inilalatag ko ang mga bato mo gamit ang matigas na argamasa,*At itinatayo ko ang pundasyon mo na may mga safiro.+ 12  Gagawin kong yari sa mga rubi ang iyong mga pader,Yari sa kumikinang* na mga bato ang iyong mga pintuang-daan,At yari sa mamahaling mga bato ang lahat ng hangganan mo. 13  At ang lahat ng anak mo ay tuturuan ni Jehova,+At magkakaroon sila ng saganang kapayapaan.+ 14  Katuwiran ang magiging pundasyon mo.+ Malalayo ka sa pagmamalupit,+Wala kang anumang katatakutan at kasisindakan,Dahil hindi ito lalapit sa iyo.+ 15  Kung may sasalakay sa iyo,Hindi ako ang nag-utos sa kaniya. Ang sinumang sasalakay sa iyo ay matatalo.”+ 16  “Ako mismo ang lumikha sa bihasang manggagawa,Na humihihip ng apoy sa bagaAt nakagagawa ng sandata. Ako rin ang lumikha sa taong mapamuksa na nangwawasak.+ 17  Anumang sandata ang gawin para ipanlaban sa iyo ay hindi magtatagumpay,+At hahatulan mo ang sinumang magsasalita* laban sa iyo sa panahon ng paghatol. Ito ang mana ng mga lingkod ni Jehova,At ang katuwiran* nila ay mula sa akin,” ang sabi ni Jehova.+

Talababa

O “panginoon.”
Lit., “nasasaktan sa espiritu.”
Inilalagay sa pagitan ng mga laryo o mga bato para magdikit ang mga ito o ginagamit na pampalitada.
O “kulay-apoy.”
Lit., “ang anumang dila na.”
Tingnan sa Glosari.

Study Notes

Media