Isaias 58:1-14

58  “Sumigaw ka nang buong lakas; huwag kang magpigil! Ilakas mo ang iyong tinig na parang tambuli. Ihayag mo sa bayan ko ang paghihimagsik nila,+Sa sambahayan ni Jacob ang mga kasalanan nila.  2  Hinahanap nila ako araw-araw,At sinasabi nilang gusto nilang malaman ang mga daan ko,Na para bang isa silang bansa na gumagawa ng matuwidAt hindi tumatalikod sa katarungan ng Diyos nila.+ Humihingi sila sa akin ng matuwid na mga hatolAt nalulugod silang lumapit sa Diyos:+  3  ‘Bakit hindi mo nakikita ang pag-aayuno* namin?+ At bakit hindi mo napapansin kapag pinahihirapan namin ang sarili namin?’+ Dahil sa araw ng inyong pag-aayuno, itinataguyod ninyo ang sarili ninyong kapakanan,*At inaapi ninyo ang mga trabahador ninyo.+  4  Ang pag-aayuno ninyo ay nauuwi sa pag-aaway at pagtatalo,At sumusuntok kayo gamit ang kamao ng kasamaan. Hindi kayo makapag-aayuno gaya ng ginagawa ninyo ngayon at makaaasang maririnig sa langit ang tinig ninyo.  5  Ganito ba ang gusto kong pag-aayuno,Isang araw para pahirapan ang sarili,Para yumukong gaya ng matataas na damo,Para mahiga sa telang-sako at abo? Ito ba ang tinatawag mong pag-aayuno at isang araw na kalugod-lugod kay Jehova?  6  Hindi iyan ang pag-aayuno na gusto ko kundi ito: Kalagin ang mga gapos ng kasamaan,Alisin ang mga panali ng pamatok,+Palayain ang mga naaapi,+At baliin ang bawat pamatok;  7  Ang gusto ko ay ibahagi mo ang iyong tinapay sa nagugutom,+Kupkupin mo sa iyong bahay ang mahirap at ang walang tahanan,Damtan mo ang hubad kapag nakita mo siya,+At huwag mong talikuran ang kadugo mo.  8  Sa gayon ay sisikat ang iyong liwanag na gaya ng bukang-liwayway,+At mabilis kang gagaling. Mauuna sa iyo ang katuwiran mo,At ang kaluwalhatian ni Jehova ang magiging bantay mo sa likuran.+  9  Tatawag ka, at sasagot si Jehova;Hihingi ka ng tulong, at sasabihin niya, ‘Narito ako!’ Kung aalisin mo ang pamatokAt ititigil ang panduduro* at pagsasalita ng masakit,+ 10  Kung ibibigay mo sa gutom ang bagay na gusto mo rin+At tutulungan ang mga naghihirap,Ang liwanag mo ay sisikat kahit sa dilim,At ang iyong karimlan ay magiging gaya ng katanghaliang-tapat.+ 11  Lagi kang papatnubayan ni Jehova,At ibibigay niya ang pangangailangan mo kahit sa tuyot na lupain;+Palalakasin niya ang iyong mga buto,At magiging gaya ka ng isang hardin na laging nadidiligan,+Gaya ng bukal na hindi nauubusan ng tubig. 12  Muli nilang itatayo para sa iyo ang sinaunang mga lunsod na gumuho,+At muli mong itatayo ang mga pundasyon ng lumipas na mga henerasyon.+ Tatawagin kang tagapagkumpuni ng mga sirang pader,+Tagapag-ayos ng mga landas na matitirhan. 13  Kung dahil sa Sabbath ay ihihinto mo ang* pagtataguyod ng sarili mong kapakanan* sa aking banal na araw+At ang Sabbath ay tatawagin mong lubhang kalugod-lugod, isang banal na araw ni Jehova, isang araw na dapat luwalhatiin,+At luluwalhatiin mo ito sa halip na itaguyod ang sarili mong kapakanan at magsalita ng walang katuturan, 14  Makadarama ka ng masidhing kaluguran dahil kay Jehova,At ipasasakop ko sa iyo ang matataas na lugar sa lupa.+ Pakakainin kita mula* sa mana ng ninuno mong si Jacob,+Dahil ito ang sinabi ni Jehova.”

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “kaluguran.”
O “panunuro.”
Lit., “iuurong mo ang paa mo sa.”
O “kaluguran.”
O “Masisiyahan ka.”

Study Notes

Media