Isaias 65:1-25
65 “Hinayaan kong makilala ako ng mga hindi nagtanong tungkol sa akin;Hinayaan kong makita ako ng mga hindi humanap sa akin.+
Sinabi ko, ‘Narito ako, narito ako!’ sa isang bansa na hindi tumatawag sa pangalan ko.+
2 Buong araw kong iniuunat ang mga kamay ko sa isang bayang matigas ang ulo,+Sa mga lumalakad sa daang hindi mabuti+At sumusunod sa sarili nilang kaisipan;+
3 Isang bayang patuloy na umiinsulto sa akin nang harap-harapan;+Naghahandog sila sa mga hardin+ at gumagawa ng haing usok sa mga laryo.
4 Umuupo sila sa mga libingan,+Nagpapalipas ng gabi sa tagong mga lugar,*At kumakain ng karne ng baboy,+At ang sabaw ng maruruming bagay ay nasa mga sisidlan nila.+
5 Sinasabi nila, ‘Diyan ka lang. Huwag mo akong lapitan,Dahil mas banal ako sa iyo.’*
Ang mga ito ay usok sa mga butas ng aking ilong, isang apoy na nagniningas buong araw.
6 Nakasulat ito sa harap ko;Hindi ako magsasawalang-kibo.Pagbabayarin ko sila,+Lubos ko silang pagbabayarin*
7 Sa mga pagkakamali nila at sa mga pagkakamali rin ng kanilang mga ninuno,”+ ang sabi ni Jehova.
“Dahil gumawa sila ng haing usok sa mga bundokAt nilapastangan nila ako sa mga burol,+Susukatin ko muna ang lubos nilang kabayaran.”*
8 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Kung paanong may nakukuhang bagong alak sa isang kumpol ng ubasAt may nagsasabi, ‘Huwag mong sirain iyan, dahil may mapapakinabangan* pa riyan,’
Gayon ang gagawin ko sa mga lingkod ko;Hindi ko sila pupuksaing lahat.+
9 Ilalabas ko mula sa Jacob ang isang supling,*At mula sa Juda, ang tagapagmana ng aking mga bundok;+Magiging pag-aari iyon ng mga pinili ko,At titira doon ang mga lingkod ko.+
10 Ang Saron+ ay magiging pastulan ng mga tupaAt ang Lambak* ng Acor+ naman ay pahingahan ng mga baka,Para sa bayan ko na humahanap sa akin.
11 Pero kasama kayo sa mga umiiwan kay Jehova,+Sa mga lumilimot sa kaniyang banal na bundok,+Sa mga naghahanda ng pagkain para sa diyos ng Suwerte,At sa mga pumupuno sa mga kopa ng tinimplahang alak para sa diyos ng Tadhana.
12 Kaya itatakda kong mamatay kayo sa espada,+At lahat kayo ay yuyuko para patayin,+Dahil tumawag ako, pero hindi kayo sumagot,Nagsalita ako, pero hindi kayo nakinig;+Patuloy ninyong ginawa ang masama sa paningin ko,At pinili ninyo ang magpapagalit sa akin.”+
13 Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova:
“Ang mga lingkod ko ay kakain, pero kayo ay magugutom.+
Ang mga lingkod ko ay iinom,+ pero kayo ay mauuhaw.
Ang mga lingkod ko ay magsasaya,+ pero kayo ay mapapahiya.+
14 Ang mga lingkod ko ay hihiyaw sa kagalakan dahil sa mabuting kalagayan ng puso,Pero kayo ay daraing dahil sa kirot ng pusoAt hahagulgol dahil sa pamimighati.*
15 Mag-iiwan kayo ng isang pangalan na gagamitin ng mga pinili ko bilang sumpa,At bawat isa sa inyo ay papatayin ng Kataas-taasang Panginoong Jehova,Pero ang mga lingkod niya ay tatawagin niya sa ibang pangalan;+
16 Para ang sinumang humihiling ng pagpapala para sa kaniyang sarili sa lupaAy pagpalain ng Diyos ng katotohanan,*At ang sinumang nananata sa lupaAy manata sa ngalan ng Diyos ng katotohanan.*+
Dahil ang dating mga paghihirap ay malilimutan;Mawawala ang mga iyon sa paningin ko.+
17 Dahil lumilikha ako ng bagong langit at bagong lupa;+Ang dating mga bagay ay hindi na maaalaala pa,At mawawala na ang mga ito sa puso.*+
18 Kaya magsaya kayo at magalak magpakailanman sa aking nililikha.
Dahil ginagawa kong dahilan ng pagsasaya ang JerusalemAt dahilan ng kagalakan ang bayan niya.+
19 At magagalak ako sa Jerusalem at magsasaya dahil sa bayan ko;+Wala nang maririnig doon na pag-iyak o paghiyaw dahil sa pagdurusa.”+
20 “Hindi na magkakaroon ng sanggol sa lugar na iyon na ilang araw lang mabubuhay,O ng matanda na hindi malulubos ang kaniyang mga araw.
Dahil ang sinumang mamamatay na isang daang taóng gulang ay ituturing na isang bata lang,At ang makasalanan ay susumpain kahit isang daang taóng gulang na siya.*
21 Magtatayo sila ng mga bahay at titira sa mga iyon,+At magtatanim sila ng ubas at kakainin ang bunga nito.+
22 Hindi sila magtatayo pero iba ang titira,At hindi sila magtatanim pero iba ang kakain.
Dahil ang mga araw ng bayan ko ay magiging gaya ng mga araw ng isang puno,+At lubusan silang masisiyahan sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
23 Hindi sila magpapagod* nang walang saysay,+At hindi sila magsisilang ng mga anak na magdurusa,Dahil sila at ang mga inapo nilaAng mga supling* na pinagpala ni Jehova.+
24 Bago pa sila tumawag ay sasagot ako;Habang nagsasalita pa sila ay diringgin ko na sila.
25 Ang lobo* at ang kordero* ay manginginaing magkasama,Ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro,+At ang kakainin ng ahas ay alabok.
Hindi sila mananakit o maninira sa aking buong banal na bundok,”+ ang sabi ni Jehova.
Talababa
^ O posibleng “sa mga kubong bantayan.”
^ O posibleng “Dahil maipapasa ko sa iyo ang kabanalan ko.”
^ Lit., “Gagantihan ko sila sa dibdib nila.”
^ Lit., “ang kabayaran nila sa dibdib nila.”
^ Lit., “pagpapala.”
^ Lit., “binhi.”
^ O “Mababang Kapatagan.”
^ O “Soberanong.”
^ Lit., “wasak na espiritu.”
^ O “katapatan.” Lit., “Amen.”
^ O “katapatan.” Lit., “Amen.”
^ O “At hindi na mapapasapuso ang mga ito.”
^ O posibleng “Ang hindi aabot ng sandaang taon ay ituturing na isinumpa.”
^ O “magtatrabahong mabuti.”
^ Lit., “Ang binhi.”
^ O “mabangis na aso.”
^ O “batang tupa.”