Jeremias 12:1-17

12  Matuwid ka, O Jehova,+ kapag sinasabi ko sa iyo ang hinaing ko,Kapag nakikipag-usap ako sa iyo tungkol sa katarungan. Pero bakit nagtatagumpay ang masasama sa ginagawa nila,+At bakit hindi nababahala ang mga taksil?   Itinanim mo sila, at nag-ugat sila. Lumaki sila at namunga. Ikaw ay nasa mga labi nila, pero malayo sa puso* nila.+   Pero kilalang-kilala mo ako, O Jehova,+ nakikita mo ako;Sinuri mo ang puso ko at nakita mong kaisa mo ito.+ Ibukod mo sila gaya ng tupang papatayin;Ihiwalay mo sila para sa araw ng pagpatay.   Hanggang kailan pa matutuyot ang lupainAt malalanta ang mga pananim sa bawat bukid?+ Dahil sa kasamaan ng mga nakatira doon,Namamatay ang mga hayop at mga ibon. Dahil sinabi nila: “Hindi niya nakikita ang mangyayari sa atin.”   Kung napapagod kang tumakbo kasama ng mga mananakbo,Paano ka makikipagkarera sa mga kabayo?+ Kung panatag ka sa lupaing mapayapa,Paano ka na kapag nasa gitna ka ng makakapal na palumpong* sa kahabaan ng Jordan?   Dahil kahit ang sarili mong mga kapatid, ang sambahayan ng sarili mong ama,Ay nagtaksil sa iyo.+ Sinisigawan ka nila. Huwag kang magtiwala sa kanila,Kahit na nagsasalita sila sa iyo ng mabubuting bagay.   “Iniwan ko ang bahay ko;+ pinabayaan ko ang mana ko;+ Ibinigay ko ang minamahal ko sa kamay ng mga kaaway niya.+   Ang aking mana ay naging parang leon sa kagubatan. Umuungal siya sa akin. Kaya napoot ako sa kaniya.   Ang aking mana ay gaya ng ibong maninila na maraming kulay;*Pinapalibutan ito at sinasalakay ng ibang ibong maninila.+ Halikayo, magtipon kayo, lahat kayong mga hayop sa parang,Halikayo at kumain.+ 10  Sinira ng maraming pastol ang ubasan ko;+Tinapak-tapakan nila ang lupain ko.+ Ang maganda kong lupain ay ginawa nilang tiwangwang na ilang. 11  Iyon ay wasak na. Iyon ay natuyot;*Iyon ay naging tiwangwang sa harap ko.+ Ang buong lupain ay ginawang tiwangwang,Pero hindi ito pinag-uukulan ng pansin ninuman.+ 12  Sa lahat ng dinadaanang landas sa kahabaan ng ilang ay dumating ang mga mangwawasak,Dahil ang espada ni Jehova ay nanlalamon mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo.+ Walang kapayapaan ang sinuman.* 13  Naghasik sila ng trigo, pero matitinik na halaman ang inani nila.+ Nagpakapagod sila, pero wala itong saysay. Ikahihiya nila ang kanilang mga bungaDahil sa nag-aapoy na galit ni Jehova.” 14  Ito ang sinabi ni Jehova laban sa lahat ng masasamang bayan sa paligid ko, na pumipinsala sa pag-aaring ipinamana ko sa bayan kong Israel:+ “Bubunutin ko sila mula sa kanilang lupain,+ at bubunutin ko ang sambahayan ng Juda sa gitna nila. 15  Pero matapos ko silang bunutin ay kaaawaan ko silang muli at ibabalik ko ang bawat isa sa kanila sa minana niyang pag-aari at sa lupain niya.” 16  “At kung matututuhan nilang mabuti ang mga daan ng aking bayan at mananata sila sa pangalan ko, ‘Kung paanong buháy si Jehova!’ kung paanong tinuruan nila ang bayan ko na manata sa ngalan ni Baal, sila ay mapapabilang sa bayan ko. 17  Pero kung hindi sila susunod, bubunutin ko rin ang bansang iyon; bubunutin ko iyon at lilipulin,” ang sabi ni Jehova.+

Talababa

Lit., “sa mga bato,” sa kaloob-looban ng isip at puso.
Mga halaman at maliliit na puno.
O “na batik-batik.”
O posibleng “nagdadalamhati.”
Lit., “anumang laman.”

Study Notes

Media