Jeremias 17:1-27
17 “Ang kasalanan ng Juda ay isinulat sa pamamagitan ng panulat na bakal.
Sa pamamagitan ng matulis na diamante ay iniukit iyon sa tapyas ng puso nilaAt sa mga sungay ng mga altar nila,
2 Habang inaalaala ng mga anak nila ang kanilang mga altar at mga sagradong poste*+Sa tabi ng mayabong na puno, sa matataas na burol,+
3 Sa mga bundok sa parang.
Ipasasamsam ko ang mga pag-aari mo, ang lahat ng kayamanan mo+—Oo, ipasasamsam ko ang iyong matataas na lugar dahil sa kasalanan sa lahat ng teritoryo mo.+
4 Kusa mong bibitawan ang ipinamana ko sa iyo.+
At gagawin kitang alipin ng mga kaaway mo sa lupain na hindi mo alam,+Dahil pinagliyab mong gaya ng apoy ang galit ko.*+
Magniningas iyon magpakailanman.”
5 Ito ang sinabi ni Jehova:
“Sumpain ang sinuman* na sa tao lang nagtitiwala,+Na umaasa sa lakas ng tao,*+At na ang puso ay tumatalikod kay Jehova.
6 Magiging gaya siya ng punong nag-iisa sa disyerto.
Hindi niya makikita ang pagdating ng mabuti,Kundi titira siya sa tuyot na mga lugar sa ilang,Sa lupain ng asin na walang makapaninirahan.
7 Pinagpala ang taong* kay Jehova nagtitiwalaAt kay Jehova umaasa.+
8 Magiging gaya siya ng punong nakatanim sa tabi ng tubig,Na ang mga ugat ay umaabot sa batis.
Kapag uminit, hindi niya iyon mapapansin;Sa halip, ang mga dahon niya ay mananatiling malago.+
Sa taon ng tagtuyot ay hindi siya mababahala,At hindi siya titigil sa pamumunga.
9 Ang puso ay higit na mapandaya kaysa anupamang bagay at desperado.*+
Sino ang makauunawa rito?
10 Ako, si Jehova, ay sumusuri sa puso,+Sumusuri sa kaloob-looban ng isip,*Para ibigay sa bawat isa ang nararapat sa landasin niya,Ayon sa bunga ng mga ginagawa niya.+
11 Gaya ng perdis* na lumililim sa hindi niya itlog,Ganoon ang taong nagkakamal ng kayamanan sa pandaraya.*+
Iiwan siya nito sa kalagitnaan ng buhay niya,At sa bandang huli ay mapatutunayan siyang hangal.”
12 Isang maluwalhating trono, na dakila mula pa sa pasimula,Ang santuwaryo natin.+
13 O Jehova, ang pag-asa ng Israel,Lahat ng umiiwan sa iyo ay mapapahiya.
Ang mga nag-aapostata sa iyo* ay mapapasulat sa alabok,+Dahil iniwan nila si Jehova, ang bukal ng tubig na nagbibigay-buhay.+
14 Pagalingin mo ako, O Jehova, at gagaling ako.
Iligtas mo ako, at maliligtas ako,+Dahil ikaw ang pinupuri ko.
15 May mga nagsasabi sa akin:
“Nasaan ang salita ni Jehova?+
Mangyari nawa iyon!”
16 Pero ako, hindi ako huminto sa pagsunod sa iyo bilang pastol,At hindi ko inasam ang araw ng kapahamakan.
Alam na alam mo ang lahat ng salitang lumabas sa bibig ko;Nangyari ang lahat ng iyon sa harap mo!
17 Huwag mong hayaang makadama ako ng matinding takot.
Ikaw ang kanlungan ko sa araw ng kapahamakan.
18 Mapahiya nawa ang mga umuusig sa akin,+Pero huwag mo sanang hayaang mapahiya ako.
Matakot nawa sila,Pero huwag mo sanang hayaang matakot ako.
Pasapitin mo sa kanila ang araw ng kapahamakan,+At durugin mo sila at lubusang puksain.*
19 Ito ang sinabi sa akin ni Jehova: “Pumunta ka at tumayo sa pintuang-daan ng mga anak ng bayan na pinapasukan at nilalabasan ng mga hari ng Juda, at sa lahat ng pintuang-daan ng Jerusalem.+
20 Sabihin mo sa kanila, ‘Pakinggan ninyo ang salita ni Jehova, kayong mga hari ng Juda, kayong lahat na taga-Juda, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, na pumapasok sa mga pintuang-daang ito.
21 Ito ang sinabi ni Jehova: “Mag-ingat kayo, at huwag kayong magbubuhat ng anuman sa araw ng Sabbath at huwag ninyong ipapasok iyon sa mga pintuang-daan ng Jerusalem.+
22 Huwag kayong maglalabas ng anuman mula sa bahay ninyo sa araw ng Sabbath; at huwag kayong gagawa ng anumang trabaho.+ Panatilihin ninyong banal ang araw ng Sabbath, gaya ng iniutos ko sa mga ninuno ninyo.+
23 Pero hindi sila nakinig o nagbigay-pansin, at nagmatigas sila* at ayaw nilang sumunod o tumanggap ng disiplina.”’+
24 “‘“Pero kung susunod kayong mabuti sa akin,” ang sabi ni Jehova, “at hindi kayo magpapasok ng anuman sa mga pintuang-daan ng lunsod na ito sa araw ng Sabbath, at pananatilihin ninyong banal ang araw ng Sabbath sa pamamagitan ng hindi pagtatrabaho sa araw na iyon,+
25 ang mga hari at prinsipe* na nakaupo sa trono ni David+ ay papasok din sa mga pintuang-daan ng lunsod na ito sakay ng karwahe at mga kabayo, sila at ang mga prinsipe* nila, ang mga taga-Juda at ang mga taga-Jerusalem;+ at titirhan ang lunsod na ito magpakailanman.
26 At darating ang mga tao mula sa mga lunsod ng Juda, mula sa palibot ng Jerusalem, mula sa lupain ng Benjamin,+ mula sa mababang lupain,+ mula sa mabundok na rehiyon, at mula sa Negeb,* at magdadala sila ng mga buong handog na sinusunog,+ hain,+ handog na mga butil,+ olibano, at hain ng pasasalamat sa bahay ni Jehova.+
27 “‘“Pero kung hindi ninyo susundin ang utos ko na panatilihing banal ang araw ng Sabbath at na huwag magdala at magpasok ng anuman sa mga pintuang-daan ng Jerusalem sa araw ng Sabbath, sisilaban ko ang mga pintuang-daan niya, at tiyak na lalamunin ng apoy ang matitibay na tore ng Jerusalem+ at hindi ito mapapatay.”’”+
Talababa
^ O posibleng “Dahil nagliyab kayong gaya ng apoy dahil sa galit ko.”
^ O “malakas na lalaki.”
^ Lit., “Na laman ang ginagawang bisig.”
^ O “malakas na lalaking.”
^ O “mapanganib.” O posibleng “walang lunas.”
^ O “sa kaibuturan ng damdamin.” Lit., “sa mga bato.”
^ Ibon na parang manok.
^ O “nang hindi makatarungan.”
^ Lit., “sa akin,” na malamang na tumutukoy kay Jehova.
^ O “puksain nang dalawang beses.”
^ Lit., “at pinatigas nila ang leeg nila.”
^ O “pinuno.”
^ O “pinuno.”
^ O “timog.”