Jeremias 24:1-10

24  Pagkatapos, may ipinakita sa akin si Jehova na dalawang basket ng igos na nasa harap ng templo ni Jehova, matapos ipatapon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya ang anak ni Jehoiakim na si Jeconias,*+ na hari ng Juda, kasama ang matataas na opisyal ng Juda, ang mga bihasang manggagawa, at ang mga panday;* dinala niya sila mula sa Jerusalem papuntang Babilonya.+  Napakaganda ng mga igos sa unang basket, gaya ng mga unang bunga. Pero ang mga igos sa isa pang basket ay napakapangit at hindi makakain.  At tinanong ako ni Jehova: “Ano ang nakikita mo, Jeremias?” Kaya sinabi ko: “Mga igos; ang magagandang igos ay napakaganda, pero ang pangit na mga igos ay napakapangit at hindi makakain.”+  Pagkatapos ay dumating sa akin ang salita ni Jehova:  “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel, ‘Gaya ng magagandang igos na ito, maganda rin ang magiging pakikitungo ko sa mga taga-Juda na ipinatapon, sa mga pinaalis ko sa lugar na ito papunta sa lupain ng mga Caldeo.  Babantayan ko sila para mapabuti sila, at pababalikin ko sila sa lupaing ito.+ Itatayo ko sila, at hindi ko sila pababagsakin; itatanim ko sila, at hindi ko sila bubunutin.+  At bibigyan ko sila ng isang puso na gusto akong makilala, na ako si Jehova.+ Sila ay magiging bayan ko, at ako ang magiging Diyos nila,+ dahil manunumbalik sila sa akin nang buong puso.+  “‘Pero tungkol sa pangit na mga igos na napakapangit at hindi makakain,+ ito ang sinabi ni Jehova: “Gayon ko pakikitunguhan si Haring Zedekias+ ng Juda, ang kaniyang matataas na opisyal, ang natira sa mga taga-Jerusalem na naiwan sa lupaing ito, at ang mga nakatira sa lupain ng Ehipto.+  Pasasapitin ko sa kanila ang isang kapahamakan, at mangingilabot sa kanila ang lahat ng kaharian sa lupa.+ Sila ay hahamakin, magiging kasabihan, pagtatawanan, at isusumpa+ sa lahat ng lugar kung saan ko sila pangangalatin.+ 10  At magpapadala ako laban sa kanila ng espada,+ ng taggutom, at ng salot,*+ hanggang sa malipol sila sa lupaing ibinigay ko sa kanila at sa mga ninuno nila.”’”

Talababa

Lit., “Nabucodorosor,” isa pang ispeling.
Tinatawag ding Jehoiakin at Conias.
O posibleng “tagapagtayo ng mga balwarte.”
O “sakit.”

Study Notes

Media