Jeremias 45:1-5
45 Ito ang sinabi ng propetang si Jeremias kay Baruc+ na anak ni Nerias nang isulat nito sa isang aklat ang mga salitang ito na idinikta ni Jeremias+ noong ikaapat na taon ng hari ng Juda na si Jehoiakim+ na anak ni Josias:
2 “Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel tungkol sa iyo, Baruc,
3 ‘Sinabi mo: “Kaawa-awa ako, dahil dinagdagan ni Jehova ng kalungkutan ang paghihirap ko! Napapagod na ako sa pagdaing, at wala akong kapayapaan.”’*
4 “Sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang itinayo ko ay gigibain ko, at ang itinanim ko ay bubunutin ko—ang buong lupain.+
5 Pero naghahanap* ka ng dakilang mga bagay para sa sarili mo. Huwag ka nang maghanap ng ganoong mga bagay.”’
“‘Dahil magpapasapit ako ng kapahamakan sa lahat ng tao,’*+ ang sabi ni Jehova, ‘at saan ka man pumunta, ibibigay ko sa iyo ang buhay mo bilang samsam.’”*+
Talababa
^ Lit., “wala akong makitang pahingahan.”
^ O “umaasa.”
^ Lit., “laman.”
^ O “patatakasin kita nang buháy.”