Jeremias 47:1-7
47 Ito ang sinabi ni Jehova sa propetang si Jeremias tungkol sa mga Filisteo,+ bago pabagsakin ng Paraon ang Gaza.
2 Ito ang sinabi ni Jehova:
“May dumarating na tubig mula sa hilaga.
Raragasa ito.
At babahain nito ang lupain at ang lahat ng naroon,Ang lunsod at ang mga nakatira doon.
Hihiyaw ang mga lalaki,At hahagulgol ang lahat ng nakatira sa lupain.
3 Sa ingay ng yabag ng kaniyang mga barakong kabayo,Sa pagkalampag ng kaniyang mga karwaheng pandigmaAt sa dagundong ng kaniyang mga gulong,Hindi man lang babalikan ng mga ama ang mga anak nila,Dahil manghihina ang mga kamay nila,
4 Dahil pupuksain ng dumarating na araw ang lahat ng Filisteo;+Lilipulin nito ang bawat natitirang kakampi ng Tiro+ at Sidon.+
Dahil pupuksain ni Jehova ang mga Filisteo,Ang mga natira mula sa isla ng Captor.*+
5 Makakalbo* ang Gaza.
Pinatahimik ang Askelon.+
O kayong natira sa kanilang lambak,*Hanggang kailan kayo maghihiwa sa inyong sarili?+
6 O espada ni Jehova!+
Gaano pa katagal bago ka manahimik?
Bumalik ka sa iyong lalagyan.
Magpahinga ka at manahimik.
7 Paano iyon mananahimikKung inutusan iyon ni Jehova?
Inatasan niya itoLaban sa Askelon at sa baybaying dagat.”+
Talababa
^ Creta.
^ Aahitan nila ang ulo nila dahil sa pagdadalamhati at kahihiyan.
^ O “mababang kapatagan.”