Nilalaman I-PLAY 1 Katapatan at kayamanan ni Job (1-5) Kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ni Job (6-12) Nawalan ng pag-aari at mga anak si Job (13-19) Hindi sinisi ni Job ang Diyos (20-22) 2 Kinuwestiyon ulit ni Satanas ang motibo ni Job (1-5) Pinayagan si Satanas na saktan si Job (6-8) Asawa ni Job: “Sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na!” (9, 10) Dumating ang tatlong kasamahan ni Job (11-13) 3 Ikinalungkot ni Job na ipinanganak siya (1-26) Nagtanong kung bakit siya nagdurusa (20, 21) 4 Mga unang sinabi ni Elipaz (1-21) Tinuya ang katapatan ni Job (7, 8) Sinabi ang mensahe ng isang espiritu (12-17) ‘Walang tiwala ang Diyos sa mga lingkod niya’ (18) 5 Nagpatuloy sa pagsasalita si Elipaz (1-27) ‘Ang marurunong ay hinuhuli ng Diyos sa sarili nilang bitag’ (13) ‘Hindi dapat itakwil ni Job ang disiplina ng Diyos’ (17) 6 Sagot ni Job (1-30) Sinabing tama lang na dumaing siya (2-6) Mapandaya ang mga umaaliw sa kaniya (15-18) “Hindi masakit ang tapat na pananalita!” (25) 7 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job (1-21) Buhay, gaya ng sapilitang pagtatrabaho (1, 2) “Bakit mo ako pinupuntirya?” (20) 8 Mga unang sinabi ni Bildad (1-22) Ipinahiwatig na nagkasala ang mga anak ni Job (4) ‘Kung malinis ka, poprotektahan ka ng Diyos’ (6) Ipinahiwatig na di-makadiyos si Job (13) 9 Sagot ni Job (1-35) Hindi puwedeng makipaglaban sa Diyos ang taong mortal (2-4) ‘Gumagawa ang Diyos ng di-masaliksik na mga bagay’ (10) Hindi puwedeng makipagtalo sa Diyos (32) 10 Nagpatuloy sa pagsagot si Job (1-22) ‘Bakit nakikipaglaban ang Diyos sa akin?’ (2) Ikinumpara ang Diyos sa mortal na si Job (4-12) ‘Maginhawahan sana ako’ (20) 11 Mga unang sinabi ni Zopar (1-20) Sinabing walang saysay ang pananalita ni Job (2, 3) Sinabi kay Job na iwan ang kasamaan (14) 12 Sagot ni Job (1-25) “Hindi ako nakabababa sa inyo” (3) “Naging katatawanan ako” (4) ‘Marunong ang Diyos’ (13) Nakahihigit ang Diyos sa mga hukom at hari (17, 18) 13 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job (1-28) ‘Mas gusto kong kausapin ang Diyos’ (3) ‘Kayo ay walang-silbing manggagamot’ (4) “Alam kong ako ang tama” (18) Nagtanong kung bakit itinuturing siya ng Diyos na kaaway (24) 14 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job (1-22) Buhay ng tao, maikli at punô ng problema (1) “May pag-asa kahit ang isang puno” (7) “O itago mo nawa ako sa Libingan” (13) “Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli?” (14) Mananabik ang Diyos sa gawa ng mga kamay niya (15) 15 Ikalawang pagsasalita ni Elipaz (1-35) Ipinahiwatig na walang takot sa Diyos si Job (4) Tinawag si Job na pangahas (7-9) ‘Walang tiwala ang Diyos sa mga anghel niya’ (15) ‘Ang masama ang nagdurusa’ (20-24) 16 Sagot ni Job (1-22) “Imbes na aliwin ako, lalo pa ninyo akong pinahihirapan!” (2) Sinabing pinuntirya siya ng Diyos (12) 17 Karugtong ng sagot ni Job (1-16) “Pinapalibutan ako ng mga manlalait” (2) “Ginawa niya akong tampulan ng panlalait” (6) “Magiging tahanan ko na ang Libingan” (13) 18 Ikalawang pagsasalita ni Bildad (1-21) Sinabi ang mangyayari sa mga makasalanan (5-20) Pinalalabas na hindi kilala ni Job ang Diyos (21) 19 Sagot ni Job (1-29) Hindi tinanggap ang saway ng mga “kaibigan” niya (1-6) Sinabing pinabayaan siya (13-19) “Buháy ang manunubos ko” (25) 20 Ikalawang pagsasalita ni Zopar (1-29) Nainsulto kay Job (2, 3) Ipinahihiwatig na masama si Job (5) Sinasabing nasisiyahan si Job sa kasalanan (12, 13) 21 Sagot ni Job (1-34) ‘Bakit nananagana ang masasama?’ (7-13) Sinabing mapanlinlang ang mga “umaaliw” sa kaniya (27-34) 22 Ikatlong pagsasalita ni Elipaz (1-30) ‘Mapapakinabangan ba ng Diyos ang tao?’ (2, 3) Pinagbintangan si Job na sakim at di-makatarungan (6-9) ‘Manumbalik ka sa Diyos at babalik ka sa dati mong kalagayan’ (23) 23 Sagot ni Job (1-17) Gustong iharap sa Diyos ang usapin niya (1-7) Sinabing hindi niya makita ang Diyos (8, 9) ‘Hindi ako lumihis mula sa daan niya’ (11) 24 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job (1-25) ‘Bakit ba hindi nagtakda ng oras ang Diyos?’ (1) Sinabing hinahayaan ng Diyos ang kasamaan (12) Gusto ng mga makasalanan ang dilim (13-17) 25 Ikatlong pagsasalita ni Bildad (1-6) ‘Paano magiging walang-sala ang tao sa harap ng Diyos?’ (4) Sinabing walang saysay ang pananatiling tapat ng tao (5, 6) 26 Sagot ni Job (1-14) “Ang laki ng naitulong mo sa nanghihina!” (1-4) ‘Ibinibitin ng Diyos ang mundo sa kawalan’ (7) ‘Mga gilid lang ng mga daan ng Diyos’ (14) 27 Determinado si Job na manatiling tapat (1-23) “Mananatili akong tapat” (5) Walang pag-asa ang di-makadiyos (8) “Bakit walang kabuluhan ang mga sinasabi ninyo?” (12) Walang natitirang anuman para sa masasama (13-23) 28 Pinaghambing ni Job ang kayamanan ng lupa at ang karunungan (1-28) Pagmimina ng tao (1-11) Nakahihigit ang karunungan sa perlas (18) Ang pagkatakot kay Jehova ang tunay na karunungan (28) 29 Inalaala ni Job ang masasayang araw niya bago ang mga pagsubok (1-25) Iginagalang sa pintuang-daan ng lunsod (7-10) Ang rekord niya ng pagiging makatarungan (11-17) Nakikinig ang lahat sa payo niya (21-23) 30 Inilarawan ni Job ang nagbagong kalagayan niya (1-31) Tinuya ng mga walang-kabuluhang tao (1-15) Parang hindi siya tinutulungan ng Diyos (20, 21) “Nangitim ang balat ko” (30) 31 Ipinagtanggol ni Job ang katapatan niya (1-40) “Nakipagtipan ako sa mga mata ko” (1) Hiniling na timbangin siya ng Diyos (6) Hindi nangangalunya (9-12) Hindi maibigin sa pera (24, 25) Hindi sumasamba sa idolo (26-28) 32 Sumali sa usapan ang nakababatang si Elihu (1-22) Nagalit kay Job at sa mga kasamahan nito (2, 3) Magalang na naghintay bago nagsalita (6, 7) Hindi lang edad ang nagpaparunong sa tao (9) Gustong-gustong magsalita ni Elihu (18-20) 33 Sinaway ni Elihu si Job dahil sa pagmamatuwid nito (1-33) Nakakita ng pantubos (24) Babalik ang lakas gaya noong bata pa (25) 34 Ipinagbangong-puri ni Elihu ang katarungan at mga daan ng Diyos (1-37) Sinabi ni Job na ipinagkait sa kaniya ng Diyos ang katarungan (5) Hinding-hindi gagawa ng masama ang tunay na Diyos (10) Hindi alam ni Job ang sinasabi niya (35) 35 Ipinakita ni Elihu na mali ang pangangatuwiran ni Job (1-16) Sinabi ni Job na mas matuwid siya sa Diyos (2) Napakataas ng Diyos kaya hindi siya naaapektuhan ng kasalanan (5, 6) Dapat hintayin ni Job ang Diyos (14) 36 Pinuri ni Elihu ang di-maarok na kadakilaan ng Diyos (1-33) Napapabuti ang masunurin; itinatakwil ang di-makadiyos (11-13) ‘Sino ang tagapagturong gaya ng Diyos?’ (22) Dapat dakilain ni Job ang Diyos (24) “Ang Diyos ay mas dakila kaysa sa kaya nating alamin” (26) Kontrolado ng Diyos ang ulan at kidlat (27-33) 37 Makikita sa mga puwersa ng kalikasan ang kadakilaan ng Diyos (1-24) Kayang patigilin ng Diyos ang mga gawain ng tao (7) ‘Pag-isipan ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos’ (14) Hindi kayang unawain ng tao ang lahat ng bagay tungkol sa Diyos (23) Hindi dapat isipin ng tao na matalino siya (24) 38 Ipinakita ni Jehova kung gaano kababa ang tao (1-41) ‘Nasaan ka nang lalangin ang lupa?’ (4-6) Sumigaw ng papuri ang mga anak ng Diyos (7) Mga tanong tungkol sa kalikasan (8-32) “Mga batas ng langit” (33) 39 Ginamit ang pagkalalang sa mga hayop para ipakitang walang alam ang tao (1-30) Kambing-bundok at usa (1-4) Mailap na asno (5-8) Torong-gubat (9-12) Avestruz (13-18) Kabayo (19-25) Halkon at agila (26-30) 40 Patuloy na nagtanong si Jehova (1-24) Inamin ni Job na wala na siyang masasabi (3-5) “Kukuwestiyunin mo ba ang katarungan ko?” (8) Inilarawan ng Diyos kung gaano kalakas ang Behemot (15-24) 41 Inilarawan ng Diyos ang kahanga-hangang Leviatan (1-34) 42 Sagot ni Job kay Jehova (1-6) Sinaway ang tatlong kasamahan ni Job (7-9) Ibinalik ni Jehova si Job sa dating kalagayan nito (10-17) Mga anak ni Job (13-15) Nauna Susunod I-print I-share I-share Job—Nilalaman MGA AKLAT SA BIBLIYA Job—Nilalaman Tagalog Job—Nilalaman https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/1001070000/univ/art/1001070000_univ_sqr_xl.jpg nwtsty Job Copyright para sa publikasyong ito Copyright © 2024 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. KASUNDUAN SA PAGGAMIT | PRIVACY POLICY | PRIVACY SETTINGS