Job 16:1-22

16  Sumagot si Job: 2  “Marami na akong narinig na ganiyan. Imbes na aliwin ako, lalo pa ninyo akong pinahihirapan!+  3  Hindi ba matatapos ang walang-saysay na* pagsasalita? Bakit ganiyan ka* sumagot?  4  Kaya ko ring magsalitang gaya ninyo. Kung kayo ang nasa kalagayan ko,Marami rin akong masasabi laban sa inyo,At iiling ako sa inyo.+  5  Pero sa halip na gawin iyon, papatibayin ko kayo ng aking mga salita,At magiginhawahan kayo sa pang-aliw na sasabihin ko.*+  6  Kapag nagsasalita ako, hindi naiibsan ang nararamdaman kong kirot;+Kapag nananahimik naman ako, hindi rin nawawala ang kirot.  7  Pero ngayon ay pinanlupaypay ako ng Diyos;+Nagpasapit siya ng kapahamakan sa buong sambahayan ko.*  8  Sinusunggaban mo* rin ako, at nakikita iyon ng iba;Ang sobrang kapayatan ko ay parang testigo laban sa akin.  9  Ang galit niya ang lumuluray sa akin, at nagkikimkim siya ng matinding galit sa akin.+ Pinagngangalit niya ang mga ngipin niya dahil sa akin. Pinanlilisikan ako ng mga mata ng kalaban ko.+ 10  Ibinuka nila ang bibig nila para lamunin ako.+Tinuya nila ako at sinampal;Marami silang nagtitipon laban sa akin.+ 11  Ibinibigay ako ng Diyos sa mga batang lalaki,At inihahagis niya ako sa kamay ng masasama.+ 12  Panatag ako noon, pero sinira niya ang buhay ko;+Hinawakan niya ako sa batok at isinubsob sa lupa;At pinuntirya niya ako. 13  Pinapalibutan ako ng kaniyang mga mamamanà;+Walang awa niyang pinapana ang mga bato ko;+Ibinubuhos niya sa lupa ang apdo ko. 14  Para akong pader na paulit-ulit niyang binubutas;Sumusugod siya sa akin na gaya ng mandirigma. 15  Nagtahi ako ng telang-sako at isinuot ito,+At ibinaon ko na sa lupa ang dangal* ko.+ 16  Namumula ang mukha ko dahil sa pag-iyak+At nangingitim ang* paligid ng mga mata ko 17  Kahit wala naman akong sinaktanAt taimtim ang panalangin ko. 18  O lupa, huwag mong takpan ang dugo ko!+ At hayaan mo itong dumaing para sa akin! 19  Pero ngayon pa lang, may testigo na ako sa langit;Ang makapagpapatotoo tungkol sa akin ay nasa kaitaasan. 20  Tinutuya ako ng mga kasamahan ko+Habang umiiyak ako* sa Diyos.+ 21  Magkaroon nawa ng tagapamagitan sa tao at sa Diyos,Kung paanong may tagapamagitan sa dalawang tao.+ 22  Dahil ilang taon na langAt pupunta na ako sa landas na walang balikan.+

Talababa

O “walang-patumanggang.”
Si Elipaz.
Lit., “ng mga labi ko.”
O “sa mga nagtitipong kasama ko.”
Tumutukoy sa Diyos.
O “lakas.” Lit., “sungay.”
O “At ang anino ng kamatayan ay nasa.”
O posibleng “Habang napupuyat ako sa paghihintay.”

Study Notes

Media