Job 23:1-17

23  Sinabi ni Job:   “Hanggang sa araw na ito, magmamatigas pa rin ako at magrereklamo;*+Ubos na ang lakas ko dahil sa pagbubuntonghininga.   Kung alam ko lang sana kung nasaan ang Diyos!+ Pupuntahan ko siya sa tirahan niya.+   Ihaharap ko sa kaniya ang usapin ko,At sasabihin ko ang lahat ng argumento ko;   Pakikinggan ko ang sagot niyaAt pag-iisipan ang sasabihin niya.   Lalabanan ba niya ako gamit ang malakas na kapangyarihan niya? Hindi, siguradong diringgin niya ako.+   Maaayos ang kaso ng matuwid sa Kaniyang harapan,At sa wakas ay ipahahayag akong walang-sala ng aking Hukom.   Pero nang pumunta ako sa silangan, wala siya roon;At nang bumalik ako, hindi ko pa rin siya makita.   Habang gumagawa siya sa kaliwa, hindi ko siya makita;At pumupunta siya sa kanan, pero hindi ko pa rin siya mahanap. 10  Pero alam niya ang daang tinatahak ko.+ Pagkatapos niya akong subukin, magiging gaya ako ng purong ginto.+ 11  Maingat na sinundan ng paa ko ang mga hakbang niya;Hindi ako lumilihis mula sa daan niya.+ 12  Hindi ako humihiwalay sa utos na mula sa bibig niya. Pinahalagahan ko ang mga pananalita niya+ nang higit pa kaysa sa inaasahan* sa akin. 13  Kapag determinado siya, sino ang makapipigil sa kaniya?+ Kapag may gusto siyang gawin, gagawin niya iyon.+ 14  Dahil lubusan niyang isasagawa ang itinakda niya para sa akin,At marami ang mga iyon. 15  Kaya naman hindi ako mapakali dahil sa kaniya;Kapag iniisip ko siya, lalo akong natatakot. 16  Pinahina ng Diyos ang loob ko,At tinakot ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat. 17  Pero hindi pa rin ako napatahimik ng kadilimanKahit na tumakip ito sa aking mukha.

Talababa

O “ang reklamo ko ay mapaghimagsik.”
O “itinakda.”

Study Notes

Media