Job 37:1-24

37  “Kaya kumakabog ang dibdib* ko,At mabilis ang tibok ng puso ko.  2  Pakinggan ninyong mabuti ang dagundong ng tinig niyaAt ang kulog na lumalabas sa bibig niya.  3  Inilalabas niya ito sa silong ng buong langit,At nagpapakidlat siya+ hanggang sa mga dulo ng lupa.  4  Pagkatapos, may maririnig na dumadagundong na tunog;Ang kamangha-mangha niyang tinig ay parang kulog,+At tuloy-tuloy pa rin ang pagkidlat habang nagsasalita siya.  5  Kamangha-mangha ang pagdagundong ng tinig ng Diyos;+Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagay na hindi abót ng isip natin.+  6  Dahil sinasabi niya sa niyebe, ‘Mahulog ka sa lupa,’+ At sa ulan, ‘Bumuhos ka nang malakas.’+  7  Pinatitigil ng Diyos ang lahat ng gawain ng tao*Para malaman ng bawat taong mortal ang gawa Niya.  8  Pumapasok sa lungga ang mababangis na hayopAt nananatili roon.  9  Humihihip ang hangin ng bagyo mula sa silid nito,+At ang hanging hilaga ay nagdadala ng lamig.+ 10  Nabubuo ang yelo sa pamamagitan ng hininga ng Diyos+At nagiging yelo ang malawak na katubigan.+ 11  Oo, pinabibigat niya ng mga patak ng tubig ang mga ulap;Ikinakalat niya sa mga ulap ang kaniyang kidlat;+ 12  Nagpapaikot-ikot ang mga ito saanman niya papuntahin;Sinusunod ng mga ito anuman ang iutos niya+ sa ibabaw* ng lupa. 13  Sa ganitong paraan, nakapagpaparusa siya,+ nadidiligan ang lupain,At nakapagpapakita siya ng tapat na pag-ibig.+ 14  Pakinggan mo ito, Job;Huminto ka sandali at pag-isipan mong mabuti ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos.+ 15  Alam mo ba kung paano kinokontrol* ng Diyos ang mga ulapAt kung paano siya nagpapakidlat mula sa kaniyang ulap? 16  Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap?+ Ito ang kamangha-manghang mga gawa ng Isa na nakaaalam ng lahat ng bagay.+ 17  Bakit umiinit ang damit moKapag ang lupa ay tahimik dahil sa hangin mula sa timog?+ 18  Inilatag* ng Diyos ang langit+ na kasintibay ng metal na salamin.Kaya mo rin bang gawin iyon? 19  Sabihin mo sa amin ang dapat naming sabihin sa kaniya;Hindi kami makasagot dahil nasa dilim kami. 20  Dapat bang sabihin sa kaniya na may gusto akong ipaalám sa kaniya? O may sinabi ba ang sinuman na dapat pang iparating sa kaniya?+ 21  Hindi man lang nila makita ang liwanag*Kahit pa maaliwalas ang langit,Maliban kung may dumaang hangin at hawiin ang mga ulap. 22  Sa hilaga nagmumula ang gintong sinag;Ang kaluwalhatian ng Diyos+ ay kamangha-mangha. 23  Hindi natin kayang unawain ang lahat ng bagay tungkol sa Makapangyarihan-sa-Lahat;+Napakalakas ng kapangyarihan niya,+At hinding-hindi niya lalabagin ang kaniyang katarungan+ at saganang katuwiran.*+ 24  Kaya dapat matakot sa kaniya ang mga tao.+ Dahil hindi siya nalulugod sa mga nag-iisip na matalino* sila.”+

Talababa

Lit., “puso.”
Lit., “Tinatatakan niya ang kamay ng bawat tao.”
O “sa ibabaw ng mabungang lupain.”
O “inuutusan.”
O “Pinukpok.”
Liwanag ng araw.
Tingnan sa Glosari.
Lit., “na may pusong marunong.”

Study Notes

Media